Click on the quote below to read the article...


Mayroong isang prinsipyo sa mga bagay na espiritwal na natuklasan ng mga tao mula sa maraming pananampalataya. Tinatawag namin itong prinsipyo na "talikuran ang lahat". Ngunit maaari itong mailarawan sa maraming paraan.

Itinuturo ng prinsipyong ito na sa lahat ng mga larangan ng karanasan ng tao, sulit na bitawan ang ating pagkagiliw sa mga bagay, kung ito man ay materyal na pag-aari, inaasam, relasyon, pagkatakot, o anuman. May isang tao na nagbuod nito sa pagsasabing, "Inilalaan ng Diyos ang pinakamabuti sa mga taong ipinapaubaya ang pagpapasya sa Kanya.” Kung susubukan nating manipulahin ang Diyos upang umayon sa ating mga hinahangad, dinadaya natin ang Diyos mula sa mas mabuting bagay na inihanda Niya para sa atin; isang bagay na maaari lamang nating makuha kapag hinayaan natin Siya na manipulahin tayo.

Anumang oras na dumadaan tayo sa stress, pag-aalala, pagkalungkot, sakit, pag-aalinlangan, pagkalito, galit, o tukso, mayroong isang bagay na kailangan nating pakawalan; at kung mahahanap natin ito, mawawala ang ating negatibong karanasan. Maaari itong maging isang praktikal na bagay, tulad ng pagbitaw sa isang responsibilidad na nilikha natin para sa ating sarili, o pagpapakawala ng takot, o pagmamataas, o ang ating pagnanais ng kasiyahan, o opinyon.

Sa tuwing magpaparaya tayo at babalik sa pagmamahal ng Diyos, sa kabila ng mga pangyayaring nakapalibot sa atin, isang panloob na estado ng kapayapaan ang magiging resulta.

Sinabi ni Jesus ang mga bagay tulad ng, "Kung nais mong maging dakila, matuto kang maging isang lingkod. Kung gusto mong iligtas ang iyong buhay, matutong ialay ito. Kung nais mong mauna, matutong maging huli. Kung nais mong magkaroon ng kayamanan na hindi maaaring makuha, ibenta ang lahat ng mayroon ka at ibigay ang pinagbilhan sa mahihirap. Kung nais mong magkaroon ng mga bahay at lupa at isang masayang pamilya, talikuran ang lahat ng mga bagay na ito. " Inilarawan niya ang makabalighuan na prinsipyong talikuran lahat.

Ang prinsipyong ito’y maaaring maging isang likas na bahagi ng ating buhay, upang maaari nating agad na isakatuparan para sa ating sarili tuwing naramdaman natin na lumalayo tayo sa Diyos. At habang nais tayong magparaya, maaari tayong mamuhay ng isang matagumpay na buhay Kristiyano. Alam ng karamihan sa mga tao sa simbahan na, sa lahat ng kanilang pag-uusap tungkol sa matagumpay na buhay Kristiyano, wala talagang sumasabuhay nito; gayon pa man ang lahat ay nagsabwatan na huwag ipagtapat ang nakalulungkot na katotohanang ito.

Narinig namin ang marami na nag-aangkin na sila’y naiiba sa malahininga na pamantayan, ngunit sa malapitan, lahat sila’y mga tuyong balon tulad ng inilarawan sa 2 Peter 2:17-19.

Gayunpaman lahat ng kanilang mga problema ay malulutas kung tatalikuran lamang nila ang lahat. Ang ilang maliliit na problemang nararanasan natin ay halos wala kung ihahambing sa mga espirituwal na pagkabigo ng mga sumusubok na maglingkod sa Diyos at pera nang sabay. At kahit ang ilan sa ating mga problema ay maaaring masuri sa ilang mga larangan ng ating buhay kung saan hindi natin binibitawan.

Ang slogan na "Let go and let God" ay sumasalamin sa prinsipyo na talikuran ang lahat. Ngunit ang karamihan sa mga tao ay natatakot na gawin ito nang literal.

Tulad ni Abraham (Genesis 22), hinihiling ng Diyos sa mga tao na isakripisyo ang kanilang mga "Isaac”. Gayunman, sa halip na seryosohin nilang itutok ang kutsilyo sa dapat talikuran ay sinubukan nilang kumbinsihin ang kanilang sarili na nagawa na nila ito "sa kanilang mga puso".

Ang kagandahan ng pagtalikod sa lahat ng literal ay hindi natin kailangang mabuhay na may mga katanungan tungkol sa kung talagang ginagawa natin ang nais ng Diyos na gawin natin. Kung nais ng Diyos na magkaroon tayo ng isang bagay na tinalikuran natin, "bubuhayin" niya ito. Kung hindi niya ito ginawa, hindi ito ang kalooban niya at sa ganoong kaso mas mabuti na manatili itong patay… ipinako... tinalikuran.

Bakit hindi mo talikuran ang iyong kinakapitan ngayon at tingnan kung ang Diyos ay may nakalaan na mas mabuti para sa iyo?
(Tingnan din: Let Go and Let God Do It!)
Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account