Click on the quote below to read the article...


Unang Bahagi

"Kung hindi makikita ng mga tao kung saan sila patungo, sila’y masasasawi." (Proverbs 29:18)

Nakikita ng mga tao na bahagi sila ng isang malaking plano. Ito ang paraan ng pag-iisip ng mga tao; at ito’y kung paano tayo naiiba sa mga hayop. Kapag nakikita natin ang isang bagay, naiintindihan natin na mayroon itong nakaraan at hinaharap, at madalas natin itong iniisip. Sinusubukan nating pagsamahin ito sa isang mas malaking larawan ng mga nangyayari.

May mga panahon na hindi natin alam kung ano ang malaking planong ito. Kapag nangyayari ito, gumagawa tayo ng mga bagay nang hindi alam kung bakit natin ito ginagawa. Sa isang paraan, kumikilos tayong parang baliw kapag ginagawa natin ito. (Romans 1:28) Ang mga taong may ganitong problemang ay, minsan, gagawa ng mga bagay tulad ng pagbibilang ng mga pahina sa isang libro, o mamasyal sa mga kalye nang hindi alam kung saan sila pupunta. Ang ibang taong may sakit sa pag-iisip ay kumikilos sa kabaligtaran, kung saan wala silang ginagawa. Labis silang nagiging malungkot sa kanilang buhay, dahil hindi nila alam kung ano ang dapat nilang gawin. Kadalasan ay nauuwi sila pagpapakamatay. Katulad sila sa mga tao sa kasabihan sa simula ng araling ito: Hindi nila nakikita kung saan sila patungo, at pakiramdam nila ay gusto na nilang mamatay. Ang ilan sa kanila ay nagpapakamatay.

Karamihan sa mga tao ay gumagawa ng parehong bagay sa kanilang buhay. (Haggai 1:6) Ngunit, dahil ginagamit nila ang kanilang oras upang kumita ng pera, hindi sasabihin ng mga doktor na sila’y may sakit.

Ginagamit ng ilang tao ang kanilang buhay upang maging mahusay sa isang isport at hindi sila tumitigil upang pag-isipan kung bakit ito mahalaga sa kanila, o kung ito ay talagang kinakailangan. Hindi sila tumitigil upang pag-isipan ang tungkol sa layunin ng buhay.

Ang ilang tao, ginagamit nila ang kanilang buhay upang mapaunlad ang kanilang bansa, ngunit hindi sila tumitingin sa mas malaking plano sa mundo. Nakalimutan nila na ang pagdadagdag sa kaniyang sariling bansa ay madalas na nagbabawas mula sa ibang mga bansa.

Ang iba naman ay nagsusumikap upang maghanap ng maraming taong sasapi sa kanilang relihiyon. Nagtatapos sila sa pakikipaglaban sa ibang tao na sinusubukang gawin ang parehong bagay para sa kanilang relihiyon. Kailangan ding makita ng mga taong ito ang mas malaking plano.

Naniniwala kami na mayroong isang malaking plano na makakatulong sa buong mundo, at gagawin nitong maayos ang bawat bahagi ng ating buhay. Ang katotohanan ay maaaring dumating sa maraming mga hugis, ngunit ang lahat ng mga hugis ay magkakasya sa isang malaking kabuuan na ito. Nakalulungkot na ang mundo ngayon ay puno ng mga taong hindi nakikita ang malawakang larawan. Para silang mga bulag na nakikipagtalo sa kanilang munting mga piraso ng katotohanan. (Matthew 15:14)

Sinubukan ng limang bulag na pag-usapan ang tungkol sa mga elepante. Ang isa’y hinawakan ang buntot nito at sinabi na ang elepante ay tulad ng isang lubid. Ang isa’y hinawakan ang isa sa mga binti nito at sinabi na ang elepante ay tulad ng isang puno. Ang isa’y hinawakan ang isa sa mga tainga nito at sinabing ang elepante ay tulad ng isang dahon. Ang isa’y hinawakan ang tiyan at sinabi na ang elepante ay tulad ng isang pader. At hinawakan ng isa ang ilong nito at sinabing ang isang elepante ay tulad ng isang napakalaking ahas. Tama silang lahat, ngunit hindi sila nakikinig sa isa’t isa upang makita ang buong katotohanan. Bulag sila sa mas malaking larawan.

Kung tayo ay matapat at mapagpakumbaba, makikita natin na wala sa atin ang lahat ng mga sagot. Kapag tapat tayo tungkol dito, mas marami tayong matututunan kaysa sa mga taong nag-aakalang alam nila ang lahat, at hindi nakikinig sa iba dahil dito.

Kung ikaw ay isang lider, tanungin mo ang iyong mga tagasunod upang malaman kung nakikita nila ang katotohanang sinusubukan mong ipakita sa kanila. Ang ilan sa mga tagasunod ay sumasang-ayon sa grupo nang hindi nauunawaan kung bakit ginagawa ng grupo ang ginagawa nito. Maraming mga grupo sa relihiyon ang may napakagandang dahilan para magsimula, ngunit di nagtagal, ang mga tao sa grupo nila ay nagsimulang magtrabaho para sa grupo at hindi para sa mga kadahilanang mayroon ang grupo noong magsimula ito.

Pinag-usapan ni Hesus ang tungkol sa isang grupo (o kaharian) na hindi nakikita ng mata o sa pagmamasid ng tao. (Luke 17:20-21) Sinabi niya na ito ang plano na sinusubukan niyang ituro sa atin upang tapusin. Ngayon may mga taong nakikipaglaban at pumapatay, at sinasabi nila na nagtatrabaho sila para sa hindi nakikitang kahariang ito. Ngunit ang isang taong tapat ay maaaring makita na sila’y nagtatrabaho lamang para sa kanilang relihiyon. Ang hindi nakikitang kaharian na pinag-uusapan ni Jesus ay hindi isang relihiyon. (John 4:21-24;Romans 14:17-20) Kung talagang nais mong malaman ang katotohanan, hindi ka masisiyahan sa isang maliit na piraso ng katotohanan mula sa isang grupo. Gugustuhin mong mahanap ang marami pang mga piraso, at gugustuhin mong pagsamahin ang mga ito upang makita mo ang plano para sa buong mundo, at para sa lahat ng nabubuhay. (Philippians 3:12-14)

Ano ang iyong dahilan para mabuhay? Mayroon ka bang ilang katanungan na hindi mo masagot? Makikinig ka ba kung may tao na makakasagot sa iyong mga katanungan?

Kapag nalaman mong wala sa iyo ang lahat ng mga sagot, ito ang unang hakbang sa paghahanap ng mga sagot. Kung nais mong makakita ng mas malinaw, ang unang hakbang ay malaman na hindi mo nakikita at nais mo itong makita. (Juan 9:41)

Mabuting makipag-usap sa ibang tao tungkol sa mga katanungan na hindi mo masasagot. (Santiago 5:16) Baka gusto mong makipag-usap sa amin. Susubukan naming tumulong nang hindi sinasabi na nasa amin ang lahat ng mga sagot.


Pangalawang Bahagi

Ginagamit natin ang salitang "bisyon" para sa kakayahang makakita. At ginagamit natin ito para sa plano ng isang tao para sa hinaharap at ang kanilang pag-unawa sa kasalukuyan. Ang ginagawa mo ngayon ay dapat isang bahagi ng isang mas malaking plano para sa iyong buhay. Sa bahaging ito ng aralin, sasabihin namin kung ano ang pinaniniwalaan namin na pinakamalaking larawan. Ang larawang ito’y magbibigay sa atin ng sagot, kung bakit tayo nabubuhay sa planetang ito. Ang ating mga maliliit na plano ay maaaring magbago araw-araw, ngunit kung lahat ng mga planong ito ay patungo sa isang malaking plano, ang ating buhay ay ganap at kawili-wili.

Ang aming bisyon ay nagsisimula sa isang Manlilikha. Hindi natin alam kung paano nagsimula ang Manlilikha mismo. Hindi ganun kalaki ang larawan na mayroon tayo! Ngunit alam natin na lahat tayo at ang mundong ginagalawan natin ay nilikha. (Hebrews 11:1-3) Ang Manlilikha ay dapat na mas matalino kaysa sa mga bagay na ginawa niya. Naniniwala kaming siya ang gumawa ng mundo at nilikha niya tayo dahil nais niyang ipakita ang kanyang pagmamahal.

Hindi mo kailangang magkaroon ng isang relihiyon upang makita ito. Ito ay isang bagay na nakikita ng mga tao sapagkat ito ang paraan ng pag-iisip natin. Ito ang ipinagkaiba natin mula sa mga hayop. (Tingnan ang Unang Bahagi.) Nakikita natin ang mga bagay sa paligid natin, at alam natin na ang mga ito ay gawa ng isang tao o kung ano man. (Romans 1:20) Nakita natin na ang pagmamahal ay nagsisimula sa Diyos, ang Manlilikha, (at hindi sa mga bagay na ginawa niya), at nais niyang malaman natin kung paano magbigay ng pagmamahal at tumanggap ng pagmamahal. (1 John 4:16)

Ngunit may mali. (Hindi natin naiintindihan ang lahat tungkol sa kung paano at kung bakit ito nangyari, ngunit sasabihin namin kung ano ang alam namin tungkol dito.) Mahirap para sa atin na tandaan at isipin tungkol sa mundo na hindi nakikita (espiritwal) at ang hindi nakikitang Diyos na pinag-usapan ni Jesus, sapagkat hindi natin nakikita ang Diyos o ang kanyang mundo. Ngunit nakikita natin ang mga bagay na kanyang ginawa. Dahil dito, nagsimulang mahalin ng mga tao ang mga bagay na nilikha ng Diyos sa paraang dapat nilang pagmamahal sa Diyos.. (Romans 1:21-25) Maraming tao ang nagsimulang sabihin na ang mundo mismo ay kanilang diyos.

Ang mga tao ay nakikipaglaban upang makakuha ng higit pang mga bagay na ginawa ng Diyos at ng ibang tao, ngunit ito rin, ay hindi nagpapaligaya sa kanila. (James 4:1-3)

Maraming tao ang nagmamahal sa mga bagay na kanilang ginawa, sa paraang dapat nilang pagmamahal sa Diyos. Ang mga bagay na ginagawa natin ay tinatawag na mga idolo. (Exodus 20:4-6)Hindi gusto ng Diyos na mahalin natin ang mga idolo sa paraang dapat nating pagmamahal sa Kanya. (Exodus 20:4-6)

Nagkaroon ng panahon kung kailan ang isang bansa na nagngangalang Babylon ay kumontrol sa halos buong mundo. Sa bansang ito, maraming mga idolo. Ngunit ang isang bagay na pinaka nagpapaalaala sa bansang ito ngayon ay ang kanilang paggawa ng maliliit na mga idolo mula sa ginto at iba pang mamahaling metal, at tinawag nila itong "pera". (Hindi nila tinatawag ang pera na "idolo" sa panahong iyon, ngunit dahil mabilis na natutunan ng mga tao na mahalin ang pera sa paraang dapat nilang pagmamahal sa Diyos, hindi nagtagal bago ang pera ay naging isang idolo. Tingnan ang Colossians 3:5) Ang hari at iba pang mga taong kumonkontrol sa bansa ay sumang-ayon na ibigay ang ilan sa kanilang maliliit na idolo (pera), gawa sa ginto at pilak, sa mga tao kung sila’y magtatrabaho ng husto para sa bansa.

Sa paglipas ng mga taon, natutunan ng mga tao na magtrabaho nang husto para sa pera. Nag-aaway sila at pumapatay upang makuha ang higit pa rito. (James 4:1-3) Ang mga tao ay nagsimulang mag-isip na hindi sila mabubuhay nang walang pera. Alam ng mga namumuno na hindi ito totoo. Alam nila na ang pera mismo ay hindi maaaring magpakain sa kanila o protektahan sila o panatilihin silang mainit kapag malamig ang panahon; ngunit hindi nila ito itinuturo. Gusto nilang maniwala ang mga tao na magagawa ng pera ang lahat ng mga bagay na talagang ginagawa para sa kanila ng Diyos, ang kanilang Manlilikha.

Sa kanilang mga puso, alam ng mga tao na hindi nila ginagawa ang nais ng Diyos na gawin nila. Nakokonsensya sila, ngunit ayaw nilang ipamigay ang kanilang mga idolo at magsimulang magtrabaho para sa Diyos.

Ang mga pinuno sa relihiyon ay nagtuturo tungkol sa maraming iba't ibang mga bagay, ngunit hindi nila sasabihin sa mga tao na iwanan ang kanilang mga idolo at mamuhay sa pananampalataya sa Diyos. Sinabi nila sa mga tao na kung susundin nila ang mga patakaran ng kanilang mga relihiyon, ito ay magpapasaya sa kanila. Ngunit ang mga patakarang ginawa ng mga relihiyon ay hindi pipigil sa mga tao sa pagmamahal at pagtatrabaho para sa pera sa paraang dapat nilang pagmagmahal at pagtatrabaho para sa Diyos. Dahil dito, hindi sila pinasasaya ng mga patakaran. (Roma 7:10)

Naniniwala kami na ginamit ng Diyos, ang Tagalikha ng lahat, ang kanyang Anak, na si Jesukristo, upang sabihin sa atin sa pinakamatinding posibleng paraan upang maging masaya ay iwanan ang lahat ng ating mga idolo (Lucas 14:33, Mateo 5: 3 ) upang magamit ang ating oras upang makatulong at mahalin ang iba. (Juan 13:35) Kung gagawin natin ito, ang Tagalikha ng mundo at ang lahat nang nilikha ang magbibigay sa atin ng lahat ng kailangan natin. (Mateo 6:33, Filipos 4:19) Ito ang ginagawa namin, at mas kumpiyansa kami pagkatapos namin itong subukan, na totoo ang sinabi ni Jesus, at ito ang nais ng ating Manlilikha na gawin natin. (Juan 7:17) Ang aming trabaho ngayon ay sabihin sa ibang tao ang tungkol dito. (Marcos 16:15, Mateo 28:20)

Sa kabuuan, bulag ang buong mundo. Mahirap ipakita sa ibang mga tao kung ano ang sinusubukan naming ipakita sa kanila, sapagkat hindi nila nakikita ang Diyos. (Roma 8: 7) Ngunit, sa pamamagitan ng paniniwala kay Hesus, makikita natin ang Diyos, at makakatulong tayo sa ibang tao na makita ang Diyos. Kapag nakita tayo ng mga tao na sinusunod natin si Jesus, makikita nila ang pagmamahal ng Diyos sa ating mga mapagmahal na gawain. (Mateo 5:16) Ang pinakadakilang pagmamahal ay kapag ibinigay natin ang ating buhay para sa iba. (Juan 15:13) Kung ibibigay natin ang ating mga buhay para sa Diyos, ang ilang tao ay magsisimulang maniwalang muli sa Diyos. (1 Juan 3:16) Hindi madaling ituro sa ibang tao ang tungkol sa pagmamahal sa ganitong paraan, ngunit tinutulungan kami ng Diyos ,at kapag nakikipagtulungan tayo sa kanya sa paggawa nito, alam nating ginagawa natin ang pinakamagandang bagay na magagawa ng sinuman sa kanilang buhay. (Mateo 7: 13-14)

Isang araw ay babalik si Jesus upang tulungan tayong ituro sa mundo ang tungkol sa pagmamahal. (Gawa 1:11) Tayo’y magiging mga pinuno ng buong mundo pagkatapos niyang bumalik. (1 Corinto 6: 2) Ngunit, bago ang pagbalik ni Jesus, sinabi niya na kamumuhian at papatayin tayo ng mga taong mapagmahal sa idolo. (Mateo 24: 9-14) Sa ngayon, inilalaan namin ang aming buhay sa Diyos at sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng aming oras. Ngunit sa hinaharap, gagawin namin ito sa pamamagitan ng pagkamatay para sa kung ano ang paniniwalaan namin.

Ang lahat ng ito ay ang aming "bisyon". Itinuturo nito sa amin na maunawaan ang maraming ibang mga bagay tungkol sa buhay at tungkol sa mundong nakapaligid natin. Nauunawaan namin na ang Diyos at pag-ibig at ang mga bagay na hindi natin nakikita sa ating pisikal na mga mata ay mas totoo kaysa sa mga bagay na nakikita natin sa ating pisikal na mga mata. (2 Corinto 5: 7, 1 Corinto 2: 9) At nakakahanap kami ng totoong kaligayahan sa pamumuhay para sa mga bagay na hindi nakikita ng karamihan.



Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account