Click on the quote below to read the article...


Ang nais sabihin ng araling ito ay napakahalaga na ito’y halos isang pangunahing kinakailangan para sa pananampalataya. At gayunman ito’y tila napakabihira (at napakahirap ipabatid) na halos hindi ito umiiral sa mundo ngayon.

Ang problema ay ang isang tao’y maaaring makipag-usap tungkol sa katapatan, pakikinig mula sa Diyos, kababaang-loob, atbp., sa mga katagang panteorya at hindi kailanman hinaharap ang katotohanan sa kanilang sariling kawalan ng kakayahang mapakinggan ang Diyos na nagsasabi sa kanila ng mga bagay na ayaw nilang pakinggan.

At kapag nangyari iyon, nagiging kaduda-duda kung mayroon silang tunay na relasyon sa Diyos. Ang katapatan, kababaang-loob, pananampalataya... lahat ay walang halaga kung hindi masasabi sa’yo ng iyong "diyos" ang mga bagay na ayaw mong pakinggan.

Dahil binigyan tayo ng Diyos ng malayang pagpapasya, hindi niya tayo pipiliting makinig sa mga bagay na ayaw nating marinig.

Kaya't ang pagkukusa ay nakasalalay sa bawat isa sa atin. Kung patuloy nating isasara ang ating mga puso at isipan sa pagwawasto sa mga bahagi kung saan matigas ang ating kalooban, kung gayon ang ating kalooban ay ating nagiging diyos. Ang kinalabasan, ang totoong Diyos, na lumikha ng uniberso, ay napatalsik.

Ito’y kung gaano karaming “mga Kristiyano” ang naniniwalang sila’y sumusunod kay Jesus kahit na maipakita na hindi nila alam kung ano ang iniutos ni Jesus sa Bibliya sa kanyang mga tagasunod. Ang paliwanag para sa matinding pagkukunwaring ito’y hindi nila pinapayagan na sabihin sa kanila ng Jesus ng Bibliya ang anumang hindi nila nais na pakinggan (at iyon ay halos lahat ng sinabi niya), habang iniisip nila o nagpapanggap na nakakarinig sila ng mga bagay mula sa Diyos, kung saan na nagmumula talaga sa kanilang sariling kalooban. Ang kanilang kalooban at kalooban ng Diyos ay nakikitang halos pareho. Kung, sa pamamagitan ng mga pangyayari, napipilitan silang baguhin ang kanilang pag-iisip tungkol sa isang bagay, sasabihin nilang ipinakita sa kanila ng Diyos na sila’y nagkamali. Ngunit hindi nila papayagan ang sinuman na sabihing sila’y nagkamali maliban doon.

Ang parehong bagay ang maaaring mangyari sa atin. Hindi dahil maaari nating ipakita ang mga halimbawa kung paano isinara ng iba ang kanilang isipan sa Diyos ay hindi nangangahulugang ang ating isipan ay bukas sa kanyang kalooban.

Kinakailangan mo pang hikayatin bago mo pakikinggan ang Diyos nang may kababaang-loob. Dapat nating ipaalala sa ating sarili na ang karamihan sa mga bagay na itinuro sa atin ng Diyos noon ay mga bagay na tinanggihan natin noong unang marinig natin ito.

Nang walang alinlangan, kung ang Diyos ay mas matalino kaysa sa atin, nais niyang sabihin sa atin ang mga bagay na hindi pa natin alam. At marahil ang mga bagay na nais niyang sabihin sa atin ay ang mga bagay na hindi natin gaanong bukas na pakinggan. Totoo na, sa mga pagkakataon, ang mga bagay na sinabi niya ay magpapatibay sa mga bagay na naramdaman na nating totoo. Ngunit ang pinakamahirap na mga bagay na ituturo niya sa atin ay palaging mga bagay na sumasalungat sa ating mga pagkiling, at laban sa ating makasariling mga ugali. Maraming mga bagay na nais niyang sabihin sa atin, ngunit yaong hindi natin kailanman pinakinggan, dahil hindi natin siya "pinapayagan" na sabihin ang mga ito.

Maliban kung nakahanda tayong ialay ang lahat ng ating mga pagkiling sa altar bago natin siya hayaang magsalita, habambuhay nating tatakpan ang kanyang bibig at mali-limitahan ang ating paningin dahil tayo ay makasarili, matigas ang ulo, mayabang at tamad na kalooban.

Ito ay isang napakahalagang aralin na maaring harangan o buksan ang mundo ng paghahayag, nakasalalay kung isasapuso natin ito o hindi. Gaano ka ka-bukas sa pakikinig sa Diyos na nagsasabing nagkamali ka, at ikaw ay, tulad ni Saul ng Tarsus, na nakikipaglaban sa mga bagay na nais niyang ipakita sa iyo?

Ang ilan sa mga pinakadakilang paghahayag na natatanggap ng isang mananampalataya ay dumating sa mga oras na sila’y maaaring makahanap ng lakas ng loob na hamunin ang Diyos na sabihin sa kanila tungkol sa bagay na nilalabanan niya. "Sige at ipakita mo sa akin kung saan ako nagkamali! Subukan mo ako! At nangangako akong gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na tanggapin ang anumang sasabihin mo, gaano man ito kasakit." Mula roon, nagsalita ang Diyos at natuklasan kung gaano kahirap tanggapin ang sinabi ng Diyos.

Ngunit iyon ang uri ng hamon na nais pakinggan ng Diyos. Gusto niyang marinig na ikaw ay sumasang-ayon na magpakumbaba sa harap ng iyong pinakamasamang kaaway, isakripisyo ang iyong nag-iisang anak, putulin ang iyong kamay o sundutin ang iyong mata, talikuran ang lahat ng mayroon ka, o gawin ang anumang hihilingin niya sa’yo na gawin, hangga't siya ang nagsasabing gawin mo ito. At kung nais mo ang kanyang karunungan (kaysa sa iyong sariling mga kahangalan), ang pagiging bukas sa Diyos sa ganitong paraan ang kinakailangan mong gawin nang paulit-ulit.

(Tingnan din: Hearing from God, Fear of the Devil, self-righteousness, Lest You Fall, and Change.)
Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account