Ang isa sa mga pinakamahusay na imbensyon sa kasaysayan ay ito na marahil ang pang-araw-araw na iskedyul. Ang mga relo (lalo na ang ang mga murang relo) ay dapat ang kasunod na pinakamahusay na imbensyon. Ginawa nilang posible para sa karamihan na maisaayos ang kanilang mga iskedyul, upang sila’y makarating sa isang lugar sa tamang oras.
Sa panahon ngayon, hindi maiisip para sa isang ehekutibo ng kumpanya na subukang magpatakbo nang walang pang-araw-araw na iskedyul (o isang relo). Sa parehong sitwasyon, hindi makatotohanan ang magpatakbo ng isang negosyo nang hindi nagtataglay ng isang badyet. Ang nasabing badyet ay hindi lamang nagtatala ng kanilang ginastos, ngunit nagtatakda rin ito ng mga limitasyon kung magkano ang gagastusin.
Gayunpaman, sa mga sitwasyong pang-espiritwal tulad sa ating sarili, tila may pagtutol sa pagpapanatili ng mga iskedyul, badyet, o personal na listahan ng gawain.
Naniniwala ako na ang dahilan para sa napakatinding presyur na hindi gumawa ng iskedyul, badyet at listahan ay ang mga tao, sa pangkalahatan, ay ayaw managot. Wala silang masyadong mapagpipilian pagdating sa kanilang mga trabaho, o sa mga regulasyon ng gobyerno, at sa gayon sumasang-ayon sila sa mga bagay na iyon, kahit na ginagawa nila ito nang labag sa kalooban. Ngunit sa mga bagay na pang-espiritwal, mas madali mong iisiping maaari kang tumakas nang hindi nananagot, sapagkat hindi ka kaagad ikukulong ng Diyos dahil sa hindi pagtupad sa inutos niya sa iyo.
Gumagamit ang diyablo ng iba`t ibang paraan upang umiwas ang mga tao sa pananagutan. Ang pagpapanatili sa kanila na walang listahan o ilang paraan ng pagsukat ng kanilang pag-unlad ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang magawa iyon.
Ang mga argumento laban sa naturang disiplina ay tila isang espiritual. Nagtatalo ang mga tao na nais nilang magkusang-loob o umangkop; at ayaw nilang magpasailalim sa kautusan. Ngunit ang bunga ng gayong diskarte ay nakakaawa, kahit na anong larangan ng buhay ang isasaalang-alang mo.
Ang mga Pentecostal ay marahil isa sa pinakamasahol na pangkat ng mga nagkakasala sa bagay na ito; at sa lahat ng iba`t ibang mga denominasyon, mayroon din silang isa sa pinakamahabang talaan hinggil sa mga hindi nabayarang utang, sakit sa pag-iisip, at mag-asawang naghiwalay sa pagitan ng kanilang mga kasapi.
Sa pagitan ng mga Pentecostal, may mga indibidwal at simbahan na nagsisikap na mapagtagumpayan ang mga kakulangang ito sa kanilang mga miyembro, at dapat silang purihin para dito. Ngunit hindi sila magtatagumpay kung tatanggapin nila ang teolohiya na tumutukoy sa kawalan ng pananagutan tungkol sa kung paano natin ginugugol ang ating oras at pera. Naniniwala ako na ang mga Pentecostal (o mga tao sa anumang paniniwala) na tunay na nagsisikap magturo ng pananagutan, ay papalakpakan ang pangkalahatang mensahe na sinusubukan nating ipabatid sa pamamagitan ng pag-aaral na ito.
Kahit na ang ilan sa aming sariling mga miyembro ng komunidad ay nagtapat na mayroon silang isang lihim na pantasya tungkol sa isang uri ng Bohemian o New Age na yutopia kung saan walang mga panuntunan, at lahat ay gumagana pa rin nang maayos. Ito ang larawang mayroon ang maraming tao noong una nilang nilapitan ang ideya ng pamumuhay sa isang komyunaryong Kristiyano tulad ng sa amin.
Gusto nila ng isang mundo kung saan ang lahat ay mabait sa kanila, ngunit kung saan hindi nila kailangang gumawa ng anumang personal na sakripisyo upang iparamdam sa iba ang parehong bagay bilang kapalit. Ito ang unang dahilan kung bakit hindi natataguyod ang isang kumunidad. Hanggang sa makita natin kung saan humahantong ang pantasya ng Bohemian, tayo’y magpakailanman na magdadalawang isip tungkol sa lahat ng mga nakagawiang disiplina ng pamumuhay sa isang matagumpay na komunidad.
Ang mga bagay tulad ng mga badyet, iskedyul, at listahan ng mga gawain ay maiiwang hindi na natatapos, o tumatakas tayo mula sa mga ito tuwing may pagkakataon. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na ang kanilang katuwiran ay kinakailangan lumagpas sa katuwiran ng mga eskriba at Pariseo. Walang sinumang naging mas espiritwal kaysa kay Hesus; at gayon pa man siya (at ang kanyang mga alagad) ay labis na din dinisiplina... kahit na sa punto ng pagbibigay ng kanilang buhay para sa Diyos at para sa iba. Gusto niyang sundin natin ang halimbawa ng disiplina ngayon, upang lumagpas ang ating katuwiran sa mga eskriba at Fariseo. Nais niyang sundin natin ang halimbawa ng disiplinang ito ngayon upang ang ating katuwiran ay lumagpas sa sa mga eskriba at Fariseo. Noong nakaraan, sinabi namin na ang ating oras ay ating buhay, at kung nais nating ibigay ang ating buhay sa Diyos, dapat maging handa tayong ibigay sa kanya ang ating oras. Ang paggawa ng iskedyul o isang listahan ng mga gawain ay isang paraan upang masukat kung gaano kalaki ang pag-unlad na ginagawa mo sa direksyong iyon. Talagang walang kapaki-pakinabang sa espiritwal ang pagiging tulala at pag-aaksaya ng oras. Ito ay dahan dahang pagpapakamatay na inihanda ng diablo.
Ang mga tao ay gumugugol ng maraming oras, araw, at taon nang hindi nakakamit ang anumang bagay, sapagkat kumbinsido sila na ang tanging bagay na nais ng Diyos para sa kanila ay maging walang disiplina. Wag kang maniwala rito! Ang Diyos ay naghahanap ng "mga disipulo" (ibig sabihin, "disiplinadong" tao) at hindi mga lutang na gumala-gala sa isang pagkalito sa espiritwal.
Halimbawa, kung may nakikita ka ng isang taong nagtuturo ng anarkiya, ngunit tila nasa maayos ang kanilang buhay, kanilang pamilya, at marahil maging ang kanilang samahan; maaari mong tiyakin na hindi ito resulta ng pagsasakatuparan ng anarkiya na ipinangangaral nila. Nagmula ito sa disiplina. Nagmula ito sa paggawa ng listahan ng mga bagay na kailangang gawin, at pagkatapos ay sinusuri ang listahang iyon upang malaman kung nagawa ang mga ito. Nagmula ito sa pagtatakda ng mga layunin, at pagkatapos ay sinusuri kung naabot ito o hindi. Nagmula ito sa paggawa ng mga iskedyul, at pagkatapos ay nanatiling tapat sa mga ito (maliban kung mayroong isang tunay na eksepsiyon). Nagmula ito sa pagpapanatili ng badyet at pagbabayad ng mga bayarin sa tamang oras. Nagmula ito sa pamumuhay ayon sa kanilang makakaya. Hindi mo natututunan ang mga ganitong uri ng bagay mula sa pamumuhay sa mga “hippy commune.” Natututunan mo ang mga ito mula sa ibang mga tao na nagturo sa iyo tungkol sa pananagutan. Ang mga magulang na hindi nagdidisiplina sa kanilang mga anak ay hindi kailanman magpapalaki ng mga anak na natural at kusang disiplinado. Kung matututo man ng disiplina ang kanilang anak, ito ay magmumula sa mga guro na nagdidisiplina sa kanila, mga employer na nagdidisiplina sa kanila, mga pinuno ng militar na nagdidisiplina sa kanila, o mga institusyong penal na nagdidisiplina sa kanila.
Ang ilan ay nakikita kami bilang isang pamilya, at ang iba ay nakikita kami bilang isang bilangguan. Ngunit alinman sa dalawa, sinusubukan naming turuan ang aming mga miyembro ng disiplina. Ang pagtatakda ng mga adhikain at paggawa ng mga resolusyon, at pagkatapos ay pagtatala ng isang talaan sa kung naging matagumpay ka sa pagkamit ng iyong mga hangarin, ay isa lamang sa maraming mga paraan na magawa naming mapanagot ang mga tao para sa kanilang espirituwal na pag-unlad.
Palaging may mga aspeto ng paglago sa espiritwal na hindi masusukat at personal sa pagitan ng indibidwal at ng Diyos lamang. Ngunit saan man natin matutukoy ang pag-unlad, hinahangad nating sukatin ito. At ang bunga ng pamamaraang ito ay naging mas malaking pag-unlad.
Tanungin ang iyong sarili kung nagdarasal ka pa ngayon kaysa sa ginawa mo noong isang taon. Tanungin ang iyong sarili kung binabasa mo pa ba ang iyong Bibliya. Kung nakikipag-ayos ka sa ibang tao. Kung inaabot mo ang maraming tao para kay Cristo. Kung higit pa ang iyong ginagawa upang matulungan ang mga mahihirap. Kung hindi mo gusto ang mga katanungang ito, gumawa ng ilan para sa sarili mo. Magtakda ng mga layunin para sa iyong sarili, at pagkatapos ay magtabi ng isang listahan, upang matukoy kung ikaw ay umuunlad o hindi. Sinasabi ng Bibliya na kung hahatulan natin ang ating sarili, hindi tayo hahatulan. At ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang magawa ito ay sa pamamagitan ng mga bagay tulad ng mga badyet, iskedyul, at listahan ng trabaho. Maligayang pagsukat!