Click on the quote below to read the article...

(Ang artikulong ito ay nagmula sa The Family, bagaman na-edit ito nang bahagya.)

Noong naglakad si Jesus sa baybayin ng Galilea, tinawag niya ang ilang mga mangingisda na noon lamang nakahuli ng napakaraming isda sa kanilang buhay. "Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao!" Agad nilang iniwan lahat at sinundan siya! (Luke 5:2-11) Iniwanan nila ang kanilang mga nahuling isda, kanilang lambat, kanilang bangka, kanilang kabuhayan, kanilang dating buhay, at maging ang kanilang mahirap at matandang ama!

Paano nila nagawa ang ganoong bagay? Paano nila nagawang talikuran ang kanilang kabuhayan, at ang kanilang sariling pamilya at kaibigan, na hindi man lamang binibigyan ng abiso, na sundin itong estranghero at ang kanyang mga tauhan? Ginawa nila ito dahil inalok niya sa kanila ang isang mas magandang buhay, isang mas magandang trabaho, isang mas mabuting boss, para sa isang mas mabuting pamilya, at mas magandang mga gantimpala! Bakit kailangang “magtrabaho para sa pagkaing nasisira” (John 6:27) kung maaari kang makatagpo ng mga kaluluwa, na magiging kaibigan mo habambuhay!

May nagsabing, "Hayaan mo muna akong magpaalam sa aking pamilya." Sumagot si Jesus, "Sinumang nagsimulang mag-araro ngunit lumingon ay hindi karapat-dapat sa akin!” (Luke 9:61-62) "Ngunit hayaan mo akong kahit papaano ay mailibing ko ang aking ama," sabi ng isa pa. (Marahil ay hindi pa namamatay ang ama, at maaaring tumagal ito ng buwan o taon!) Mahigpit na sinabi ni Jesus, "Hayaang ilibing ng mga patay ang kanilang sariling patay! Pumarito ka at sumunod sa akin!" (Luke 9:59-60)

Ayaw ng Diyos ang maging pangalawa sa anuman o sa sinuman. Hindi ka Niya hahayaang maglagay ng anumang diyos sa harap Niya - hindi ang iyong dating trabaho o ang iyong dating boss o kahit na ang iyong dating pamilya at mga kaibigan! Ang iyong bagong Boss ay ang Diyos at mayroon Siyang bagong trabaho para sa iyo na hindi makapaghintay. Ito ang unang pagsubok ng Diyos para sa bawat magiging disipulo. Upang makita Niya kung mahal mo siya higit pa sa lahat sa pamamagitan ng pagtalikod sa lahat kaagad upang sundin Siya!

"Unahin ninyo muna ang kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran at lahat ng iba pang mga bagay na ito ay maidaragdag sa iyo!" (Matthew 6:33)

Hindi ka kukunsintihin ng Diyos na unahin ang anupaman bago ang kanyang gawain. Kung maaari mong dalhin ang iyong boss at pamilya, mabuti. Ngunit malinaw naman na ang ama ng mga disipulo ay ayaw iwanan ang kanyang buhay bilang mangingisda upang sundan si Jesus - at mula roon hindi na natin siya muling narinig. Ang ama na kumapit sa kanyang negosyo ay nawala sa limot, habang ang kanyang mga anak ay umalis kasama ang isang hindi kilalang tao at gumawa ng kasaysayan, tumutulong sa milyun-milyong mga kaluluwa para sa buhay na walang hanggan.

Hindi ba katawa-tawa ngayon ang paghambing sa negosyo, ang ama, at ang kanyang pamilya, na sa kalaunan ay nasawi, sa milyun-milyong kaluluwang nailigtas sa pamamagitan ng desisyon ng mga mangingisda na unahin ang Diyos sa araw na iyon, iwanan ang lahat upang sundan si Jesus? Ngayon na nakikita natin ang mga resulta, madaling malaman na ginawa nila ang tamang desisyon sa kabila ng pagtutol ng kanilang ama at ang pagbagsak ng kanyang negosyo.

Walang mas mahalaga kaysa sa Diyos at ang Kanyang pagmamahal upang mailigtas ang sanlibutan. Ang tanging oras ng Diyos ay ngayon! Ang mga nag-alinlangan ay hindi na bumalik. Mas maraming mga tao ang nag-aalinlangan kaysa sa mga taong iniwanan ang lahat ng mayroon sila upang sundan si Jesus. Marami ang tinawag, ngunit iilan lang ang pumili na unahin ang Diyos higit sa lahat. (Matthew 22:2-14) Sino at ano ang uunahin ninyo?

Bakit hindi tayo humiling sa boss at ang ating mga pamilya at kaibigan na sumama sa atin upang magtrabaho para sa Diyos? Maaari din silang sumunod kay Cristo, ‘di ba?

Ngunit kung ayaw nilang sundan si Cristo, hindi sila karapat-dapat sa iyo! Ano ang mas mahalaga: Paglilingkod sa kanila o pagtatrabaho para sa Diyos at pagiging bahagi ng Kanyang plano upang iligtas ang mundo? Ngayon na ang oras! Bukas ay huli na.

Pinahihirapan ng Diyos ang mga pagsubok upang malaman natin kaagad kung nakuha natin kung ano ang kinakailangan upang mapaglingkuran Siya. Ito’y isang bagay tulad ng panganganak na kung saan ito’y isang karanasan na dapat pagdaanan ng isang ina at sanggol. Kung makakaligtas sila sa panganganak, malamang ay madali na sa kanila ang natitirang hamon. Mula doon kailangan lamang nating humakbang ng paunit-unti, tulad ng paglaki ng isang sanggol.

Ayaw ng Diyos ang mga taong malahininga. (Revelation 3:16) Sinabi niya na ang mga nagdadalawang isip ay "tulad ng magulong dagat kung saan hindi matatahimik." (Isaiah 57:20, James 1:5-8) Hindi ko maintindihan ang pag-aalangan ng mga tao sa paglilingkod sa Panginoon hanggang sa dulo! Kung siya ay karapat dapat na pagsilbihan, nararapat siyang pagsilbihan nang buong buhay at sa lahat ng mayroon ka!

Paano ka naman? Handa ka bang talikuran ang lahat, sa ganap na katapatan, at buong-panahong paglilingkod kay Jesus? Nais mo bang maging bahagi ng huling dakilang espiritwal na rebolusyon? Kung gayon, nangangailangan ito ng 100% na dedikasyon. Gawin ito o mamatay! Amen?
Suriin ang ilang mga bagay na tunay na sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na gawin. Makikita mo na ang Kristiyanismo ay hindi pa sinubukan at nagkulang. Sa katunayan, halos hindi ito nasubukan!

(See also So, Who ARE They Following?, Which Christ are You Following? part 1, and Solid as a Rock.)


Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account