Ang ikapitong kabanata ng Apocalipsis (tungkol sa hukbo na 144,000 katao), tulad ng karamihan sa Apocalipsis, ay hindi pinapansin ng karamihan ng mga Kristiyano sa batayan na maaaring bigyan ng maling kahulugan ng mga panatiko upang isipin na sila’y bahagi ng hukbo at ang iba ay hindi. Isang kalokohan!
Sa pinakamababa, kailangan nating seryosohin ang mga aralin na ipinahiwatig sa pangkalahatang sipi, dahil marahil ay maiuugnay ito sa atin sa anumang oras sa hinaharap. Hindi natin dapat alisin ang kabanatang iyon mula sa Bibliya sapagkat maaaring hindi ito maintindihan.
Ano ang mga aral na pinag-uusapan ko?Para sa mga nagsisimula, ang pinag-uusapan ko na 144,000 kataong ito ay "mga birhen" "na hindi nadungisan ng mga kababaihan". Noong nakaraan nag-alok ako ng isang liberal, lubos na ispiritwalisadong interpretasyon ng bahaging ito. Ginawa ko rin ang parehong bagay sa iba pang mga sipi sa Bagong Tipan tungkol sa pagkasoltero, na nagpapahiwatig na ang mga tao ay maaaring kasal ng hindi naaapektuhan ang kanilang kakayahang magtrabaho para sa Diyos, hangga't wala silang mga anak. Sa personal, naniniwala pa rin ako sa parehong mga mas ispiritwal na aral na ito, at ipapaliwanag ko ang mga ito nang mas mabuti mamaya sa pag-aaral na ito.
Ngunit sa aming karanasan ay ginamit ng mga mag-asawa ang mga katuruang iyon upang maiwasan ang iba pang mga bahagi ng Bibliya na mas malinaw tungkol sa ating pangangailangan na talikuran ang ating mga asawang babae o lalaki at anak para sa Diyos. At, nang maisagawa ang unang hakbang na iyon, upang magpakasal, karamihan sa kanila ay tumalikod mula sa literal na pagsunod sa halos anumang bagay na itinuro ni Jesus.
Wala akong nakikitang punto sa pagbabawal ng pag-aasawa (tulad ng ginagawa ng mga Katoliko para sa kanilang mga pinuno), dahil itinuturo ng Bibliya na ang naturang doktrina ay mali. Ngunit sa palagay ko kailangan nating gawin ang tulad ng ginagawa ng Bibliya, at maging tiyak na sigurado tungkol sa pagsasabi sa mga tao kung saan maaaring humantong ang pag-aasawa. Malamang na, kung ang sinuman sa inyo na walang asawa ay ikakasal, mawawalan kami ng isang pares ng mga mas radikal na Kristiyano na nagbibigay ng 100% ng kanilang buhay para kay Kristo.
Kaya't nagsisimula na akong maniwala na ang hukbo ng 144,000 ay maaaring, sa katunayan, ay literal na mga birhen, mga taong pinigilan ang sarili mula sa mga kababaihan. Kukuwestiyunin ko pa rin nang kaunti ang tungkol sa pagkabirhen ng mga 144,000 bilang isang literal na kondisyon na ibinubukod kailanman ang sinuman na nakipagtalik. Sa palagay ko na malamang na nangangahulugan ito ng isang bagay na mas maihahalintulad sa mga taong "banal" na itinalaga ang kanilang sarili upang magamit sila ng Diyos, at na tumanggi na hayaan ang pagtatalik na makaabala sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Maaaring kahit na ang isang may-asawa ay maaaring maging bahagi ng hukbong iyon... ngunit magiging mahigpit pa rin ang mga kondisyon.
Sinabi ni Paul sa mga taga-Corinto, "Ang oras ay nananatili na ang mga may asawa ay dapat mamuhay na parang walang asawa.” Sa madaling salita, maaaring may isang opsyon para sa atin na may-asawa na makapasok sa hukbo, ngunit ang tanging paraan upang magawa natin ito ay sa pamamagitan ng pagse-seryoso at marahil napaka-literal na pagtalikod sa ating mga asawa. Parang tulad ng ginagawa ng Simbahang Katoliko kung saan ang isang may-asawa ay maaaring maging pari sa pamamagitan ng literal na pagtalikod sa kanyang asawang babae. Ang sistema sa pangkalahatan ay nagulat dito, ngunit ginagawa pa rin ito ng mga Katoliko. At sa palagay ko ito’y isang maliit na halimbawa lamang ng kung ano ang nais ng Diyos na gawin natin.
Ang sinabi ni Paul ay inulit sa sinabi ni Hesus na walang sinuman ang maaaring sumunod sa kanya maliban kung handa siyang "kapootan" ang kanyang asawang babae.
Matagal ko nang kinatatakutan na tawagin kami bilang isang kulto na sumisira sa mga mag-asawa. Kaya't sinubukan kong tumanggap ng mga suwail na asawang babae. Ang ilang mga miyembro ay naiirita sa tuwing nagpapahiwatig ako sa mga asawang lalaki na talikuran ang kanilang mga asawang babae para sa Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos na sa wakas ay malaya na kami sa mapanghimagsik na espiritu, at ipinapanalangin ko na hindi na namin ito hahayaang muli.
Sa mga nakaraang taon ay marami na akong hindi pagkakasundo sa aking asawang babae, ngunit sa huli ay hindi ko hinayaang pigilan niya ako mula sa pagsunod sa Diyos, at nasa likuran ko siya ngayon higit pa sa nagagawa niya sa kanyang buhay. Inuna namin ang Diyos sa aming buhay, at ginantimpalaan Niya kami.
Nagustuhan ko itong bago at radikal na pamamaraang ito na ginawa namin, na hindi nangangailangan sa amin na bigyang katwiran ang aming sarili sa alinman sa aming mga kaibigan, dating miyembro, kamag-anak, o ibang "awtoridad" ng sistema. Lahat ng mga taong ito ay nagkakaisa na ”kamuhian ang awtoridad”... maging sa amin man, sa Diyos, o sa sinuman maliban sa kanilang sarili. Hindi sila, tulad namin, kumbinsadong nakita namin ang sagot sa mga turo ni Hesus. Hindi nila isinasaalang-alang ang kanyang mga aral bilang isang perlas na may napakataas na presyo kung saan ibebenta nila ang lahat ng mayroon sila upang bilhin ito. Ang ilan sa aming mga dating miyembro, mga kaibigan at mga kamag-anak ay hindi man lamang itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mga Kristiyano... hindi dahil binigo sila ni Kristo, ngunit dahil binigo nila Siya.
Hindi ko sinasabing huwag nating subukang makipagkaibigan sa kanila, ngunit tatandaan natin: ang mga “taong walang kinikilingan” ay hindi kailanman walang kinikilingan, bagaman palagi silang nagpapanggap na ganoon sila. Sa katunayan, kadalasan sila ang pinaka-mapanganib na "mga kaibigan". Lahat ng mga taong ito’y pinamamahalaan ng isang panlipunang budhi, ibig sabihin, isang pangangailangan na matanggap sa paningin ng iba. Kahit na ang kanilang mga paminsan-minsang kagandahang-loob ay maingat na kinakalkula upang patunayan ang isang bagay sa amin, sa bawat isa, at/o sa sistema.
Kaya't ang iminumungkahi ko ngayon ay ang pangangailangan nating maging handa na putulin ang ating mga ugnayan sa lahat ng mga bakas ng pagiging kagalanggalang na kumakatawan ng bawat isa sa ating sistema, pamilya, at pagkakaibigan, at upang maglaho sa espiritwal, kung kailangan, sa kawalang hanggan sa paraan ng lahat ng mga tinatawag na "kulto". Ito’y ang pagpayag ng anumang grupo na putulin ang lahat ng kanilang mga ugnayan sa pamilya at sa sistema na ang dahilan kung bakit sila ay tinatawag na kulto; ngunit ito’y ang parehong pagpayag na dahilan upang sila ay maging epektibo. Maaaring oras na para matuklasan natin ang parehong epekto.
Kung ang hukbo na birhen ay kabilang lamang ng mga pinigilan ang kanilang mga sarili mula sa mga kababaihan (ibig sabihin, mga bachelor hanggang sa muling pagdating ni Hesus) kung ganun ang lahat ng mga taong pinapangunahan ng kanilang mga asawang babae ay hindi kabilang bago pa man sila magsimula. Maaaring sabihin pa rin na ang natitirang mag-asawa sa aming komunidad ay, sa pinakamahusay, ay magiging bahagi lamang ng isang uri ng isang “army auxiliary”, sumisigaw ng paghihikayat sa mga kalalakihan mula sa isang tabi. Inaasahan ko na kung sakaling ang mga lalaking walang asawa ay binawasan hanggang sa mga literal na birhen (sa modernong pag-unawa sa salita), kung gayon maaaring malapit nang mangyari na halos wala tayong mga disipulo.
Gayunpaman, kung iyon ang pamantayan, kung gayon iyan ang dapat nating ipangaral, at kung saan dapat nating hangarin. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay maaaring pahintulutan ang ilan sa atin na maging bahagi ng hukbo na birhen; ngunit naniniwala ako na ang kanyang biyaya ay makukuha lamang ng ilan sa atin na handang kilalanin kung ano ang dapat na mga pamantayan. At kasama sa mga pamantayang iyon ang pagtalikod sa ating mga asawang babae at anak para kay Kristo.
Ito’y tulad ng aming naranasan sa mga taong hiwalay at nag-asawang muli. Minsan, sinabi namin na tatanggapin namin ang mga mag-asawa na nag-asawang muli sa loob ng maraming taon, hangga't ituturo nila na sa prinsipyo, ang kanilang ginawa ay mali, ibig sabihin hindi sila dapat nag-asawa ulit pagkatapos makipaghiwalay sa kanilang mga dating asawa. Ngunit hindi nila ito ginawa, gusto nilang i-ayon ang pamantayan sa kanilang pag-uugali kaysa i-ayon ang kanilang pag-uugali (o hindi bababa sa pag-uugali ng mga taong maaari nilang impluwensyahan) sa pamantayan; at sa gayon ay, silang lahat ay tumanggi na magturo ng gayong prinsipyo.
Hindi natin dapat hayaan ang ating sarili na gawin ito hinggil sa hukbo na birhen. Kung ang pagtatalikod sa ating mga asawa at anak ang pamantayan, magkagayon ay matutupad.
Kung naiintindihan natin na ang konseptong ito ng pagiging "birhen" at pagiging "hiwalay sa mga kababaihan" ay bahagi ng isang direksyon ng isang pagpapatuloy, at isang bagay na espirituwal na sumasalamin sa bawat panig ng ating buhay, dapat natin itong ituro at gawin ang lahat ng ating makakaya upang simulang isakatuparan ito ngayon. Kahit na kwalipikado tayo o hindi para maging kasapi ng hukbo, tayong "mga anak ng Diyos" ay kailangang ganap na naipagbili sa Diyos Ama, upang walang espiritu na manlilinlang (o diwa ni Eba) ang humarang sa pagitan natin at sa kanya. Tayo na mga may asawa ay dapat mabuhay na parang walang asawa.
Sa palagay ko maituturo lamang natin ang gayong doktrina sa pamamagitan ng pagkikilala sa pagkalehitimo ng masturbesyon. Iyon ay isang mahalagang susing naiwan ng lahat ng kakilala ko na nagturo ng pamumuhay ng walang asawa. Dahil ito’y naiwanan, ang hypokrisiya sa sekswal at kabuktutan ay nagresulta. (Tandaan: Kahit na ang pagtuturo laban sa masturbesyon ay isang produkto ng impluwensya ng Jezebel sa mga simbahan, kung saan idinidikta ng mga ina kung ano ang tama at mali para sa kanilang mga anak na lalaki, kaysa sa matapat na mga ama.)
Sa pamamagitan ng pagtanggap ng masturbesyon, maaari kong tanggapin ang mahiwalay sa aking asawa para kay Kristo. Ang pagiging birhen ay hindi nangangahulugang asekswal ako. Ngunit sa pamamagitan ng pagsasanay ng masturbesyon, hindi ko na hahayaang diktahan ako ng aking mga sekswal na pangangailangan ang aking pamumuhay. Ang aking mga pangangailangan sa sekswal ay tulad ng aking iba pang mga biyolohikal na pangangailangan.
Hindi ko mapigilan ang pagpunta ko sa banyo para sa Diyos, ngunit maaari akong sumang-ayon na huwag gawin ito sa publiko (halimbawa) nang hindi nararamdamang ito ay imposibleng etikal na tagubilin. Ganun din pagdating sa seks, Hindi ko mapipigilan ang pagbulalas, ngunit maaari akong sumang-ayon na hindi ako makikisali sa ipinagbabawal na seks, at maaari akong sumang-ayon na hindi nito makokompromiso ang aking tungkulin bilang espiritwal na pinuno sa aking pamilya.
Paano naman ang mga taong walang asawa na nais nilang mag-asawa? Hindi natin maaaring pagbawalan ang sinuman sa kanila na magpakasal, ngunit maaari kong ipangako sa kanila na kung gagawin nila ito, magiging mas komportable silang magkipagtrabaho sa mga dating miyembro kaysa makipagtrabaho sila sa amin sa huli.
At iyon ay dahil nilalayon naming lumago patungo sa bisyon ng pagiging bahagi ng hukbong birhen, habang ang lahat ng iba ay takot na takot na magmukhang kulto na ang kanilang mga kamay ay nakatali sa espirituwal. Kinokontrol sila ng espiritu ni Jezebel, karaniwang sa anyo ng kanilang sariling mga asawa. Napanood namin ang mga asawang babae na nagdahan-dahang lumalayo sa Diyos at nagdahan-dahang sinasakal ang kanilang mga asawa sa espiritwal, habang sila mismo ay lumalayo mula sa pagiging espiritwal.
Maaari kong idagdag na ang parehong sitwasyon ay umiiral sa lahat ng mga simbahan, kung saan halos walang pinuno kahit saan ang may kontrol sa kanyang sariling pamilya. Ang kasalanan ay hindi dahil sila ay kasal, ngunit sa mahahalagang espirituwal na pagpapasyang dapat gawin ng mga asawang ito, sila ay "nadungisan ng mga kababaihan" (ibig sabihin, sa kanilang emosyonal na pagpapakandili sa kanilang mga asawa). Dahil sa palagay nila ay hindi sila mabubuhay kung wala ang kanilang mga asawa, mahina ang kanilang loob para sa Diyos.
Sa ilalim ng naturang mga kundisyon, wala silang magawa kundi ituro na ang mga suwail na asawa ay dapat pahintulutan ng iba sa komunidad. Hindi ko kinapopootan ang mga kababaihan. Alam ng Diyos, mahal na mahal ko ang aking asawa. Ngunit palaging gagamitin ng diyablo ang taong pinakamamahal mo at gamitin siya upang hilahin ka papalayo sa Diyos. Hindi namin hahayaan iyon.
Kung ang alinman sa aming mga kalalakihan ay nag-asawa at may lumitaw na mga problema, pipilitin namin na kontrolin nila ang kanilang mga asawa. Kayong mga lalaking may asawa ay haharapin ang posibilidad na ang inyong mga asawa ay ayaw makipagtalik sa iyo o iiwanan ka kung susubukan mong maging mahigpit sa kanila, at doon mo lang malalaman kung ano talaga kayo.
Habang ikaw ay nagpapatakbo sa ilalim ng isang binaluktot na doktrina ng biyaya, kung saan hindi ka gagawa ng mga hinihingi sa iyong mga asawa, hindi mo malalaman kung ano ang kanilang kakayahan sa espiritwal. Ngunit kapag sumunod ka sa batas ng Diyos, sila ay maaaring magpasakop at maging totoong mga alagad ni Kristo, o sila ay maghihimagsik at magpapakita na sila ay mga ahente ng demonyo.
Tiyak na kung ang sinumang kalalakihan sa aming komunidad ay isinasaalang-alang ang pag-aasawa, magiging mas madali kong ilalatag ang batas ngayon, kapag ang paghihimagsik mula sa potensyal na asawa ay iiwan ka upang magpakasal sa ibang tao balang araw, o mas mabuti pa, upang maging bahagi ka ng hukbo na birhen.
Ang pag-aasawa bilang isang hindi inirekumendang pagpipilian ay hindi nito inaalis ang posibilidad. Kami ay magpapatuloy na magsasagawa ng mga seremonya ng kasal para sa sinumang nagpaalam na mga may sapat na gulang na hindi pa ikinasal. Ngunit sinasabi ko, tulad ng sinabi ni Paul, na ang mga taong nagpakasal ay haharapin ang maraming mga tukso na malamang na gagawin silang hindi epektibo para sa Diyos.
Maaaring, sa isang haypotetikal na sitwasyon, ang Diyos mismo ay maaaring hikayatin ang isang tao na magpakasal. Ngunit kung iyan ay totoo, nakasalalay sa Diyos na linawin ito. Ang mga tagubilin na mayroon kami mula sa banal na kasulatan ay mas nakabubuting manatiling walang asawa, at dapat nating pigilan ang pag-aasawa bilang isang pangkalahatang alituntunin.
Kung hindi mo matiis ang pagiging solo, mag-asawa ka, ngunit, tulad ng sinabi ni Paul, magkakaroon ka ng mga problema (at ang isa sa mga ito ay ang iyong asawa ay malamang na kukulitin ka para magka-anak).
Pansamantala, simulan nating hikayatin ang ating maliit na hukbo ng mga bachelor na huwag maghanap ng mga potensyal na asawa, ngunit upang maghanap ng higit pang mga bachelor (at mga kababaihan, din, na nakatuon sa pananatiling solo para sa Diyos) upang idagdag sa hukbo. Dahil kayo ang magpapalakas ng epekto ng aming hukbo na mga birhen!
Pagpalain kayo ng Diyos!