Click on the quote below to read the article...

Mga detalye
Nilikha: 01 Marso 2001
________________

Ang serye ng Left Behind ay nakakainspire, iyan na ito ang nakakapag-isip sa mga tao na isipin ang tungkol sa seryosong mga sitwasyong na may kinalaman sa buhay at kamatayan. Gayunman, madalas itong nagpapalagay na, kahit nahaharap sa mga panahon ng kagipitan, ang buhay para sa mga Amerikanong Kristiyanong fundamentalist ay magsesentro sa parehong mga pagpapahalaga at layunin na sumasakop sa kanilang mga buhay hanggang ngayon. Sa ibang salita, ang mga tao ay mananatiling sumisimba bawat Linggo at naghahanap buhay sa mga natitirang araw ng isang linggo, sa gitna ng Pagsubok at lahat nilalaman nito. Magkakaroon pa rin sila ng sapat na salapi, at sila ay lilipad pa rin saanman sa mundo sa gusto nila. Wala sa libro ang nababanggit tungkol sa kondisyon ng mahihirap na Kristiyano. Ang materyalistikong pilosopiyang ito ay isinagawa sa panahon (sa kwento) kung saan ang mga tao ay dapat na seryosong ikonokonsidera kung ang kanilang mga pagpapahalaga na kanilang isinabuhay bago na nangyari ang pagsubok ay talagang tama.

Sa mga pagkakataon na nagkakaroon ng balakid, madalas nakikita ng mga tao ang kawalang-kabuluhan sa karamihan ng kanilang ginawa bago nangyari ang panganib. Ngunit nabigo ng serye ng Left Behind ay na imungkahi na maaaring may anumang pagkakamali sa materyalismo ng pundamentalismong ebanghelikal. Kahit nahaharap sa isang pagpipilian sa pagitan ng paglilingkod kay Jesus o paglilingkod sa Antikristo, ang dalawang bayani ng libro ay pareho natatagpuan ang kanilang mga sariling madalas na ginagamit ng Antikristo. Doon ay nagrereplek sa kanila ang parehong pagdadalawang-isip na napakarami sa mga Kristyanong pinatutunayan pagdating sa pagsubok na magtrabaho para sa Diyos at magtrabaho para sa salapi nang magkasabay. Sila ay napipilitan na umamin na nagtatrabaho sila para sa salapi sapagkat natatakot silang mabuhay nang wala ito, at kanilang binibigyang katwiran ang pananatili sa kanilang mga trabaho, batay sa kanilang kadahilanan na maaari silang isang araw na maging “saksi” sa kung nasaan sila.

Sa mga uri ng pelikulang tungkol sa digmaan, kung saan ang mga tao ay napilitang iwanan ang kanilang mga tahanan at lumalaban para sa kanilang buhay, ang usapan ng pagkuha ng sahod ay kadalasang nagiging walang kabuluhan. Gayunman, ang iminumungkahi ng unang pitong libro sa serye ng Left Behind ay na ang pagkuha ng sahod ay normal para sa mga Kristiyano sa panahon ng matinding gulo. Hindi lamang ang mga bayani ay inaasahan na patuloy na magtrabaho para sa salapi, ngunit sila ay nakikita bilang mga nagtatrabaho sa pinakamahusay na mga trabaho kasama ng pinakamataas na mga sahod. Laban sa lahat ng dahilan, sila ay nakikita bilang kahimala-himalang naprotektahan sa kanilang pagtatrabaho para sa Antikristo, kung sino, para sa walang malinaw na dahilan, ay pinapanatili niya sila sa kanyang staff kahit alam niya na sila ay ipinapalagay na kumakatawan sa kanyang pangunahing kalaban, si Jesus.

Habang sina Rayford Steele at Buck Cameron (ang mga bayani sa serye ng Left Behind) ay patuloy na naglilingkod sa Antikristo, wala silang napakanibangan mula rito na nag-aapekto sa kanilang abilidad na maglingkod kay Jesus. Sapagkat kinatatakutan nila ang oposisyon kung magpahayag sila para sa kanilang pananampalataya, ang kanilang “pagsaksi” sa kanilang mga trabaho ay hindi rin epektibo. Tila sila naroroon para sa isang dahilan, at iyan ay para sa salapi na magdadala nito. Ang libro mismo ay malinaw tungkol dyaan (tingnan sa ibaba).

Maaaring tumawag ng isang tao ang Diyos upang makapasok sa kampo ng kaaway para sa isang espesipikong layunin. Ngunit iyan ay hindi ganun kay para kina Buck at Rayford. Taon-taon wala silang nagagawa at nasasabi nang anumang may espirituwal na kahulugan. Kanya’t, sila ay iniligalig ng pagkakasala, kung saan sila (o ang kanilang mga autor) inilagay sa tabi kasama ng mga hindi malinaw na mga palatandaan na wala silang ibang pagpipilian.

Ang unang kabanata ng Soul Harvest (aklat 4) ay nakakapagmangha sapagkat matapat na inilalarawan ang pagdadalawang-isip ni Rayford hinggil sa kanyang paglilinkod sa Antikristo. Dahil nga siya ang bayani ng serye, ang kanyang wakas na pagsuko sa pagkatakot at pagkamakasarili ay madalas binibigyang katwiran ang kagayang pagkukulang sa katatagan ng loob sa parte ng iba pang mga Kristiyano, pareho ngayon at sa palagay ko sa hinaharap, kapag ang nagsimula na ang tunay na pagsubok.

Nagsimula ang Soul Harvest sa mga salitang ito: “Nasuot ni Rayford Steele ang uniporme ng kaaway ng kanyang kaluluwa, at ikinapopootan niya ang kanyang sarili para rito.” Pinunit ni Rayford ang coat at itinapon ito sa sahig, nang may galit na ang Antikristo ay nakakawasak lamang ng libong-libong buhay sa isang hindi kinakailangan na digmaan.

Isang kakaibang pangungusap ang lumitaw sa kasunod na pahina: “Kinonsidera ni Rayford na talikuran lahat ng mga natitira sa kanyang pakikipagugnayan sa rehimen ni Nicolae Carpathia (Ang Antikristo).” Bakit ang maluhong mga patse ang dapat nagbunga sa kanya na ibahin ang kanyang isip?

Isa pang paliwanag ay binigyan para sa pag-iibang isip ni Rayford: “Habang siya lumuhod upang maisambot niya ang kanyang coat, ang bumalik kabagut-bagot na lohika ni Rayford -- ang katangian na nagbuo sa kanyang pagkatao. Habang walang ideya kung ano ang maaari niyang mahanap sa bunlag ng kanyang condominium, hindi niya matitiis na siya’y mapaltan kung ano ang maaaring humirang sa kanyang natitirang lamang mga damit.”

Kaya, kung nagpasya man si Rayford na magpatuloy na maglingkod sa kaaway ng kanyang kaluluwa dahil kailangan niya ng mga damit o dahil inaasam niya ang mga kayaman at kapangyarihan na mapupunta sa kanya, hindi niya talaga ikinonsidera ang posibilidad ng pagtitiwala sa Diyos upang makamit ang kaniyang mga pangangailangan. Nihinaharap niya ang posibilidad ng Diyos na humingi sa kanya na mabuhay nang walang maluho at hinirang mga patse sa braso.

Sa ikatlo hanggang sa ikaapat na mga pahina nagbabanta na sabihin ni Rayford sa antikristo kung ano ang iniisip sa kanya; ngunit nag maharap sa oportunidad na gawin iyon, siya ay sumuko sa takot ulit. Narito ang kanilang pakikipag-usap sa telepono bago lamang siya ay nakipag-ugnayan sa Antikristo. Sinabi ni Rayford:

“‘Wag mong ilagay si Carpathia dito o talaga ako’y…”

“Tumayo para sa Potentate.”

Inilipat ni Rayford ang kanyang telepono sa kanyang kanang kamay, handang iwasak ito sa sahig, ngunit pinigilan ang sarili. Nang mabukas muli ang mga avenue ng komunikasyon, nais niyang maitingnan ang kanyang mga minamahal sa buhay.

Sa una ay ang pananamit, at pagkatapos ay ang mga mahal sa buhay. Sa parehong mga sitwasyon, siya ay nasa hawak ng Antikristo, sapagkat si Rayford, tulad ng napakarami iba pa, ay hinding kinonsidera na sundan si Jesus nung sinabi niya na unahin siya bago ang mga mahal sa buhay, bago ang pananamit, at kahit bago ang pagkain.

Nabanggit din ang pagkain, sa pahinang 62 sa parehong buluma. Si Rayford ay nakikipag salu-salo sa isang maparangyang bupe na iniayos sa loob ng pribadong taguan ng Antikristo habang ang natitirang bahagi ng mundo ay nawawasak. Tinutungkol sa kanyang pananampalataya, sabi ni Rayford kay Mac, “Alam ni Carpathia kung saan ako tumatayo.” tumugon si Mace, “Nagustuhan niya ikaw. Baka nararamdaman niya na siya ay matiwasay sa pagkaalam ng wala kang anumang tinatago mula sa kanya.”


Next paragraph: "It might be the enemy's food, [Rayford] thought, but it does the job." The italics are not mine. The authors obviously do not want readers to miss the point. The "job" is his need for food. Compromise with the enemy had met that need. It did the job.

Sa kasunod na talataan: “Maaari ay sa pagkain ng kaaway, inisip [ni Rayford], ngunti ito ang nagpagawa sa trabaho.” Hindi saakin ang naggaling ang mga italics. Malinaw na ang mga autor ay ayaw nila malaktawan ng mga mambabasa ang punto. Ang “trabaho” ay ang kanyang pangangailangan para sa pagkain. Ang pagkompromiso sa kaaway ang nagkamit sa pangangailangang iyan. Nagawa ang trabaho.

Ang kanyang desisyon na sumali sa Antikristo sa loob ng taguan ay nagawa nang ganap na kaalaman na tinatalikuran ni Rayford ang mga kahirapan na nangyayari sa labas. Ang mga pagsara ng mga salita sa unang kabanata ng Soul Harvest ay nagtatalaga: “Nakakita siya ng mga kalagim-lagim na mga bagay sa kanyang buhay, ngunit ang kaguluhan sa paliparang ito ang magpapanguna sa lahat nito. Isang taguan, kahit ng Antikristo, ay pakinig na mas mahusay kaysa rito”

Ang kanyang “puso”, siyanga, si Rayford ay palaging nakumbinsi na ang kanyang tunay na katapatan ay kay Jesus. Ngunit sa kangyang aksyon, lahat ng ginagawa niya ay ganap na kabaligtaran. Ang kanyang pagkakasala ang humantong sa kanya na maranasan ang sobrang pagkapoot para sa Antikristo na personal na planuhin na ipatay si Carpathia. Walang kapangyarihan upang magkipagdiman nang isang maaayos na labanang espiritwal para sa katotohanan, nakontento ni Rayford Steele ang kanyang sarili ng paglaban sa isang walang kuwentang labanan gamit ng isang pisikal na sandata.

Kung ating ipag-aralan ang kaugalian ng bayani, upang mahanap ang pinagsasaligan ng serye ng Left Behind pinag-aralan natin na ang mga Kristiyano ay maaaring (at marahil na dapat) maglingkod sa Antikristo upang iligtas ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga minamahal sa buhay, at upang mamuhay nang isang mas komportableng buhay sa napakasamang mundong ito. Hangga’t habang sila’y nagpapanggap ang kanilang pagiging tapat kay Jesus sa kanilang mga bibig (nang hindi maririnig ng Antikristo, malamang), hindi gaanong importante kung anong sinasabi ng kanilang mga kilos.

Nais ng kalaban ng ating kaluluwa na bigyang puri siya rin, at kaya ang serye ay napuno ng mga titulo na binigyan ng Antikristo at ang kanyang mga kohorte sa kanilang mga sarili, bawat isa ay higit na marangya kaysa sa una. Ito rin ang nagpagalit kay Rayford, ngunit patuloy niyang ginagawa ang kung anuman ang makakaya upang manatili siya sa kanyang trabaho.

Ang pinakamalapit na bagay para sa insubordinasyon is nang itinatanggi niya na bumalik sa himpilan nang kaagad, dahil hinahanap niya ang kanyang asawa sa mga ruwina. Sinasabi ng Antikristo na hindi niya ito mapapansin ang gayong pag-uugali; ngunit kanyang itinanim sa isip na hindi si Rayford gumamit ng terminong Potentate (ang isang pinakamakapangyarihan) kapag tinutukoy ang kanyang lider. Sinasabi ni Carpathia: “Ngayon ay walang panahon upang kaligtaan ang protokol, Kapitan Steele. Isang pinatawad na imperyor ay kailanganin na tukuyin ang kanyang superyor...”

Sumagot nang pabalik si Rayford, “Tama Potentate Carpathia...” (Ayan ilut, ang pagdidiin ay hindi akin.)

Sa pahinang 142, tumututol si Rayford na tawaging si Carpathia bilang Kanyang Kamahalan. “Gumagamit ikaw ng isang titulo na sa bawat henerasyon ay naglilimita para lamang sa mga pinuno ng relihiyon at royalty,” sabi niya sa isang asistante ng A.K.

Ngunit sa huli ginagamit na rin ni Rayford ang titulong iyan. (iyon ay pahinang 423: “Iyong Kamahalan,” sabi niya, pinipigilan ang anumang natitira sa kanyang pagmamalaki, “Aking ipinapalagay na kakailanganin mong si Mac at ako na ihatid kayo sa Israel bukas.”)

Si Rayford at ang kanyang co-pilot ay nag-usap ang tungkols sa kapakinakinabang sa ibahagi ang kanilang pananampalataya sa kanilang trabaho, at kanilang nagpasya na hindi dapat, kahit na ang isang sinaunang pahayag na ang mga Kristiyano dapat maging handa na aminin ang kanilang pananampalataya sa harap ng maraming tao upang maging ligtas. (Romans 10:9-11) “Dapat mong sabihin sa karamihan sa mga tao,” sinabi ni Rayford. (Pahinang 133) Ngunit kanyang inamin na ang isa pang bayani, si Buck Cameron, na pinapanatiling lihim ang kanyang pananampalataya sa labas ng mga pagpupulong sa simbahan. “Sa palagay niya na ito ay mahusay na isakanya nalang ang ito, upang maging mas epektibo,” ipinaliwanag ni Rayford. Inimumungkahi ni Rayford na gawin ang pareho ni Mac. (pahinang 183) Si Mac ay nagtanong, “Ano naman ang tungkol sa talatang iyan tungkol sa pag-aamin ng iyong bibig?” Tugon ni Rayford, “Wala akong ideya. Ang mga kautusan ba ay isinasagawa sa panahong tulad nito? Dapat mo bang aminin ang iyong pananampalataya sa Antikristo? Hindi ko lang talaga alam.”

Pagkatapos nang isang partikular at nakakaaning paghuma mula sa Antikristo, ang mga kapwang empleyado ni Rayford at ni Mac ay napadala na muntik na masamba siya. Ito ay narekord sa pahinang 214: “Nang ang mga empleyado ng Global Community sa loob ng mess hall ay nagsitayo, nagsisiyahan at nagpapalakpakan, sina Rayford at Mac ay nakatayo, upang maiwasan makita na tilang kapansin-pansin. Ang atensyon ni Mac ay napadala sa isang taong iba na mabagal na tumayo; iyon ay isang klu na ang empleyado ay dapat din maging isang lihim na mananampalataya.

Ano kaya iisipin nina Shadrach, Meschach, at Abednego ang gayong pananampalataya? Kung sila lamang kumilos sapagkat ang karamihan ay kumilos (nang may pag-aatubili para baga) nang maiutos na magbigay galang sa imahi ng Antikriso sa kanilang araw, maaari nilang natakasan ang maapoy na pugon. (Daniel 3:10-18) Ngunit anong uri na saksi ang magigi?

Ang uri ng pananampalataya na isinasagawa ni Rayford Duwag ay ang uri ng pananampalataya na nais ni Satanas na makita ng higit pa sa loob ng simbahan. Ang mga libro ng Left Behind ay isa pa lang parte ng panloloko ni Satanas para sa buong mundo, tinuturuan kahit ang pinaniniwalaang matapat na mga pundamentalismo na ang pagkompromiso ay MABUTI sa anumang sitwasyon kung saan maaari maggastos sayo ng isang bagay upang sundan ang Diyos.

(Tingnan din: Komik ng Mga Nakaligtas p01)


Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account