Mga detalye
Isinulat ni Attila
Nilikha: 01 Enero 1993
________________
Ang mga hulang nilalaman sa mga libro ng Daniel, Pahayag, at ng mga Ebanghelyo ay may maraming antas, bawat isa sa kanila ay balido; ngunit kung tiningnan lamang mula sa isang taimtim na adhikain na malaman at sundin ang katotohanan. Ang Pahayag ay isang integral na bahagi ng buong mensahe ng Diyos sa Bibliya, at ang susi sa pag-unawa sa libro ng Pahayag ay ang mga turo ni Jesus.
Mayroong tatlong pangunahing paraan ng pagpapaliwanag sa mga hula ng Daniel at Pahayag, at pareho ito ay balido sa isang lawak, basta’t ang mga ito ay tiningnan nang maayos. Ang una, at sa kababaang balidasyon, ang interpretasyon ay na ang mga pangyayaring nahulaan sa Pahayag ay natupad na. Siyempre, ang mga pangyayari noong 70 A.D. ang nagpatupad sa hula ni Jesus tungkol sa pagkawasak ng templo (
Luke 21:6) at ang tungkol sa pagpapaligid ng mga hukbong Romano sa Jerusalem (
Luke 21:20). Mapagtatalunan ito kung mayroon ba noon dakilang mga palatandaan at paglilindol at kagipitan sa panahon ng pagsakop ng mga Romano, ngunit kung ikaw noo’y isang Hudyo sa Jerusalem sa panahong iyon maaari mong, nang walang kaduda-duda, magbigay ng isang nakakakumbinsing argumento na ito nga ang pinag-uusapan ni Jesus noon.
Pagkatapos naroon naman noon ang taong 1666, sa nakagagahamang ‘666’. Ito noo’y ang kulminasyon ng isang panahon nung namatay ang buong ikatlo ng populasyon ng mundo sa pamamagitan ng Bubonic Plague; ang London noo’y nawasak sa isang mapanirang apoy; at maraming Kristiyano mula sa maliliit na komunitaryong sekta ay sinunog at inusig bilang mga erehe ng malalaking institusyonal na “Simbahan”.
Sa mga nagdaang mga panahon nagkaroon ng mga rehiliyosong grupong nagpapahayag ng pagtatapos ng mundo at ng panahon ng pagtupad sa mga hula. Datapuwa’t, ang pangunahing at napakahalagang punto laban sa mga argumento na natupad na ang mga hula ay sa sinasabi ni Jesus, “At pagkatapos makikita nila ang Anak ng tao na darating sa isang ulap nang may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (
Luke 21:27) malapit sa pagwakas ng isang sermon tungkol sa pagtupad ng mga hula sa panahon ng pagtatapos. Ito ay nagbibigay diin sa bersyon ni Mateo ng parehong sermon na ang ikalawang pagdating ay makikita ng lahat ng mga tao, (
Matthew 24:27,
Matthew 24:30) at na ito ang nagmamarka sa pagkawasak ng lahat nang mga nagrerebelde laban sa Diyos.
Sinasabi ng Pahayag na ito ay ang simula ng isang libong taong paghahari ni Kristo sa daigdig. (
Revelation 11:15,
Revelation 19:11-12,
Revelation 20:1-4). Ang mga pangyayaring ito ay halatang hindi pa nangyayari.
Ang ikalawang paraan ng pagpapaliwanag sa mga hula ay ang paglaktaw sa mga pangyayaring makasaysayan at tingnan ang mga ito bilang sumisimbolo ng digmaan sa pagitan ng mabuti at ng masama, kung saan ang pag-ibig ay tilang natatalo, ngunit nagwawakas ito sa pagiging nakamamanghang mapagtagumpay.
Ito ay isang ligtas na interpretasyon; ngunit masyadong maraming espesipiko tungkol sa mga panahon at pangyayari upang ito maging nag-iisang balidong interpretasyong. Ang hulang ito ay palagi nanghuhula tungkol sa isang krisis na mangyayari sa buong mundo sa isang tindi na lampas sa anumang nakita sa kasaysayan, at ang isa na hindi mangyayari ulit. (
Matthew 24:21,
Mark 13:19,
Daniel 12:1) Ito ay isang panahon kung saan kumakatawan sa pagsagad ng kapangyarihan para sa mga elemento ng kasamaan; ngunit nagwawakas ito sa isang supernatural na pagkawasak, o sa pinakamababa ang pagkabilanggo sa mga parehong elementong ito. (
Revelation 6:16-17,
Revelation 11:18,
Revelation 20:10-15)
Isang pangunahing tema ng Pahayag ay na ang maamo at mapagmahal na “Tupa” kung saan noo’y pinatay (si Jesus) ay mapagtagumpay sa “Dragon” (si Satanas) at sa “Halimaw”. Hindi lamang ito tumutukoy sa espirituwal na pagtatagumpay ng pag-ibig sa pagkapoot, ngunit mukha ring tumutukoy sa isang pandaigdigang imperyo at/o pinuno (ang Halimaw) na sumusunod kay at sinapian ni Satanas.
Ang panahon para sa makasaysayang pagtupad ng marami, kung hindi ay karamihan, sa mga hula sa Pahayag ay maaari sa madaling panahon sa hinaharap. Gayon pa man, ang ilan ay maaaring natupad na nang parsyal, sapagkat lamang na ang batayan ng lipunan ngayon ay kasing pareho sa kung anong meron noong simula pa ng panahon ng sinaunang Babilonya. Ang mga elemento na humahantong sa ganap na pagtupad ng mga hula ay naririto ngayon. Ito ay lamang na nakikita ng kasalukuyang panahon ang kulminasyon ng karamihan sa mga pangkasaysayang pag-uunlad kung saan ay nagtutulungan upang dalhin tayo sa isang panibagong pandaigdigang imperyo. (
1 John 2:18)
Ang paparating na pandaigdigang imperyong ito ay hindi, sa kabuuan, isang bagong pag-uunlad. Ito ay isang kulminasyon lamang ng lahat ng mga pamahalaan ng tao sa kasaysayan. Sa isa sa mga pinaka-wasto at pinaka-napatunayang hula magpakailanman, nakinita ni Daniel ang lahat ng makamundong imperyo mula sa kanyang panahon hanggang sa dumating ang Kaharian ng Langit at iniwawasak ang huling imperyo. (
Daniel 2:44,
Daniel 7:18) Pinaliwanag ni Daniel ang isang panaginip tungkol sa isang rebulto, hinuhula ang mga imperyong Persyano, Gresya, at Romano (
Daniel 2). Maya-maya, nakikita niya ang apat na halimaw, kung saan sumisimbolo sa bawat isa sa mga apat na imperyo: ang imperyong Babilonya ng kanyang panahon, ang Imperyong Persya, ang Imperyong Gresya, at ang Imperyong Romano (
Daniel 7). Itinatala ni Daniel na ang ikaapat na halimaw ay, “kakaiba sa lahat ng iba pa, higit na kakila-kilabot...” at ang pangunahing pagtuon sa natitira sa mga hula sa Pahayag, at ng sa kay Daniel rin, ay tungkol sa halimaw na ito: ang Imperyong Romano o, mas wasto, isang pambihirang imperyong (na kumakatawan sa sampung daliri sa paa) na bumabangon mula sa ruwina ng Imperyong Romano.
Tila na ang imperyong Romano ay nabigo noong ilang daang taon pagkatapos ni Kristo, ngunit ito ay talagang hinati sa “Silangan” at “Kanlurang” mga bahagi na nananatili hanggang ngayon, at kung saan noon ay talagang ihinula ni Daniel. Ang dalawang binti ng rebulto sa panaginip ni Daniel ay ganap naaayon sa pagpapatuloy ng Imperyong Romano habang iniingkorpera nito (at muntikan na wasakin) ang Kristiyanismo sa dalawang anyo: Ang Imperyong Byzantine (Kung saan pinagmulan ng Russian at Greek Orthodox na mga simbahan) at ang Banal na (Katolikang) Imperyong Romano. Ang dalawang pangunahing kapangyarihang pandaigdig ngayon ay direktang angkan ng mga dalawang imperyong ito. Bagaman ang mga komunista ay pinaniniwalaang ibinasura ang kanilang minanang pyudal Byzantine, ang parehong diwa ng paniniil ay nananatili pa rin; at bagaman ang Protestanteng kapitalismo ay pinaniniwalaang iniwan ang Katolika pyudalismo, ang parehong diwa ng kasakiman na noo’y ikinahihiya ng Simbahan ay nagiging higit pa ang pangwakas na pagkakakilanlan sa Kanlurang mundo. Sa parehong paraan na ayaw maghalo ang pinagsamang bakal at luad sa binti ng rebulto ni Daniel, ang kasalukuyang sistema ng tao ay nabahagi, ngunit inaangkin pa rin nito ang kalakasan na mayroon ng Imperyong Romano. (
Daniel 2:43)
Ngunit ang mga dibisyong ito ay mapagtatagumpayan sa huling imperyo na lumilitaw. Ang ikaapat na halimaw ay mayroong sampung sungay, isang pagkakakilanlan na nag-uugnay sa imperyong ito sa isa na napag-usapan sa Pahayag 17 (at
Revelation 12:3, at
Revelation 13:1) kung saan mayroong pitong ulo at sampung sungay. Isang anghel ang nagpapaliwanag kay Juan na ang mga ulong ito ay sumisimbolo sa pitong imperyo ng daigdig, ng kung saan lima ang nabigo, (Ehipto, Asirya, Babilonya, Persya at Gresya), isa ay, (Roma) at ang isa ay paparating pa lamang. Itong huling isa ay tila magiging isang pandaigdigang pamahalaan sa hinaharap kung saan nagbibigay daan para sa isang pandaigdigang pinuno, na magiging ang pinakamakapangyarihang makamundong pamumuno na mayroon magpakailanman. Siya ang magiging ganap na laban sa Diyos, at direkta niya makukuha ang kanyang kapangyarihan mula kay Satanas. (
Revelation 13)
Kahit man ang huling imperyong ito ay tila na nanatili lamang ng ilang taon hanggang sa pagtapos ng kasaysayan, ito ay ang pinakahuling imperyo, kung saan isinasama nito ang lahat ng pinakamasama (at maaaring pinakamahusay din) sa lahat ng mga imperyo ng kasaysayan ng tao. Ito ay katiyak-tiyan ang pinakamakabuluhang isa sa paghula.
Ang Pahayag 17 ay nagpatuloy na sabihin na ang halimaw na ito (iyon ay ang huling imperyo ng daigdig) ay pula (
Revelation 17:3) at na ang isang patutot na pinangalanang Dakilang Babilonya ang umuupo rito. Isang anghel ang nagsasabi kay Juan na ang patutot ay isang dakilang lungsod na naghahari sa mga hari ng daigdig (
Revelation 17:18). May isa pang anghel ang nagpatuloy na pinapaliwanag na ang pangunahing katangian ng lungsod na ito ay ang kayamanan nito at ang kahalagahan bilang isang lugar para sa pangangalakal (
Revelation 18).
Isang interpretasyon na naaayon nang maigi sa kasalukuyang mga pangyayari na ang halimaw ay ang Rusya (pula = komunista) at ang puta ay ang U.S.A. Tulad ng isang patutot ang Amerika ay nag-uusap ng pag-ibig (pinangatawanan ng institusyonal na Kristiyanismo), ngunit ang gusto lamang nito ay pera. Ngayon, ang U.S. ay mayroong politikal at ekonomikal na kapangyarihan sa buong mundo; ngunit ayon sa hula, ang halimaw (Ang Unyong Sobyet) ay sa isang araw “...kakainin ang kanyang laman, at susunugin siya nang may kasamang apoy.” (
Revelation 17:16) Pagkatapos ang Unyong Sobyet, nagtatrabaho nang magkakaisa kasama ng iba pang mga bansa, kung saan magbibigay ito ng kapangyarihan na pamunuan ang mundo, ay magpapatuloy na maging katuparan sa mga natitira sa mga hula ng panahon ng pagtatapos tungkol sa pangwakas, at kakila-kilabot na Halimaw.
Karamihan sa mga bagay na nabanggit sa Pahayag ay imposible lamang hanggang sa hindi bababa sa isang daang taong nakalipas. Sino kaya ang makakapag-akala kahit noong nakaraang 200 taon na magiging posible para sa mga tao na sirain ang mundo (
Revelation 13:18), ngunit ngayo’y nasanay tayo sa banta ng pagkapuksa na nakakapagpaalala sa atin, sa pamamagitan ng banta ng digmaang nukleyar. Dinirinig ni Juan ang tungkol sa isang hukbo ng 200 milyong tao (
Revelation 9:16). Ito ay talaga naging posible lamang simula noong pagkatapos namatay si Mao Zedong. Ang mga nuclear strike ngayon ang nagbibigay daan sa isang pagkawasak sa pamamagitan ng apoy bilang mukhang mas maaaring mangyari. (
Revelation 8:7-11,
Revelation 16:8,
Revelation 18:8-10) Kasama ng 90% ng mga scientist na nabubuhay ngayon, sa ating ay siguradong isang panahon ng maraming taong tumatakbo ng paroo’t parito, at ang kaalaman ay lumalago. Ito ay isa pang palatandaan ng pagtatapos, ayon sa
Daniel 12:4. Sa pamamagitan lamang ng worldwide telecommunications ng ngayon, ito ay nagiging posible para sa hulang ito na matupad: “...Pagmamasdan ng mga tao at mga lipi, at mga wika at mga bansa ang kanilang mga bangkay” (tinutukoy ang dalawang saksi). (
Revelation 11:9)
Mayroon ilan pang nakawiwiling bagay na nangyayari ngayon na maaari maging mga palatandaan na ang panahon ay papalapit na. Ang numerong 666 (
Revelation 13:16-18) ay tila bilang isa napakahalagang code inilagay sa loob ng Universal Product Classification System (kilala bilang ang “bar-code”). Ito ay isang pag-uunlad ng teknolohiya na palasunod sa isang universal person classification system, at isang cashless na lipunan batay sa isang marka (siguro isang anyo ng bar-code) na walang sinuman ang makakapagbili o makakapagbenta nang wala ito. Ang bituin kung saan nahuhulog patungo sa daigdig at ginagawang mapait ang tubig kaya na maraming mga tao ang namatay ay tinatawag na Kapaitan, kung saan isinalin bilang Chernobyl sa wikang Ukrainian. Ang radiation na naglalason sa tubig ay ganap na naaayon sa hulang ito, ngunit ang tindi ng kamatayan kung saan talagang nangyari (sa ngayon) ay hindi malapit sa nahulaang tindi. (
Revelation 8:10-11)
Ang mga pangyayaring ito ay hindi ganap na mga pagtupad sa mga hula, ngunit ang kanilang mga pagkakatulad are siguro indikasyon ng kung ano ang darating. Isang pattern ay katiyak-tiyak na lumilitaw, at habang papalapit na ang panahon, ang kaganapan ng mga hulang ay mabubunyag nang higit pa nang higit. Ang mga statistiko ng population growth, energy consumption, non-renewables resource consumption, species extinction, desert expansion, arms production, environmental destruction at pollution ay nagpapakita ng isang eksponensyal na paglago patungo sa isang hindi maiiwasang pinsala. Sa katunayan, kapag matagal nang walang isang pandaigdigang krisis upang “ayusin” ang problema, tulad ng malawakang paggutom, digmaan, o sakit na maging sanhi sa pagkamatay ng isang malaking bahagi ng populasyon ng mundo, mas malala pa ang krisis na magiging kapag dumating ito. Ito ay imposible na pisikal na manatili sa kasalukuyang eksponensyal na paglago ng parehong kasakiman sa maunlad na mundo, at ng populasyon sa nag-uunlad na mundo.
Siyempre, mayroong higit pang sapat na yaman para sa doble ng pangangailangan ng kasalukuyang populasyon, ngunit ang senaryong hinarap dito ay nagpapalagay na ang mga sistema ng mundo ay hindi babaguhin ang kanilang pangunahing mga pag-uugali, at ito ay isang makatarungang hypothesis sa pagsasaalang-alang ng kasaysayan. Ito ay mas makatarungan kung ating obserbahan na mayroon noong isa lamang sistema ng pamahalaan na talagang umaayon sa Diyos nang kahit kaunti. At iyon ang mga sinaunang mga Hudyo; gayunman ang kanilang pag-angkin na sila ang Kaharian ng Diyos ay nawala sa kanilang pagtanggi sa mas mataas na pahayag ng kaharian ng Diyos sa pamamagitan kay JesuKristo. (
Galatians 2:16,
Galatians 2:28-29)
Talaga, mayroon higit sa hula na iminumungkahi na ang Antikristo ay, sa pinakababaan sa una, mag-aangkin na maging ang Messiah, pumaparito upang ipakita ang sanlibong taon ng kapayapaan, kasama ng kanyang pamahalaan na nagpapanggap bilang ang nakikitang kaharian ng langit: nagdadala ng kapayapaan at kasaganaan (
Daniel 8:23-25), at linlangin ang mga tao sa paniniwala na siya ang Kristo. (
Revelation 13:11,
Matthew 7:15,
Matthew 24:24)
Isa sa mga nakakalat na tema sa patuloy na tumatanyag at mainstream na New Age movement ay na ang pinsala (Dakilang Pagsubok) ay maaaring iwasan kung ang sapat na tao ang nagbago sa kanilang kamalyan upang maayon sa isang lumalagong pattern ng pag-iisip, kung saan lumago noong 60’s. Ang bagong pattern na ito, sa una, ay tila nagiging mas naaayon sa mga praktikal na mga aplikasyon sa mga turo ni Jesus. Kabilang dito ang gayong pagtuon tulad ng simpleng pamumuhay, isang mapagpahalagang pag-uugali, pamamahagi, pagiging laban sa sistema, at isang pagkukulang ng pagkukunwari na sobrang laganap sa mga simbahan. Gayunpaman, habang pumupunta tayo sa 90’s, ang New Age movement ay lalong nagiging materialistiko at lalong umayon sa sistema, at sa gayong pag-aayon, mabilis ito nakakakuha ng momentum at pagkakagalang-galang. Siyempre, dahil nga hindi ito nag-aangking sa pagiging Kristiyano, ang mga potensyal na labis nito ay napakalayo sa mayroon ng simbahan; at ang pagtuon nito sa hedonismo, ang okultismo at espiritismo ay nagbibigay ng malawakang opportunidad na tanggapin si Satanas mismo bilang Messiah. Ang pilosopiyang ito ay isang perpektong kagamitan para sa Antikristo, kung saan sa pamamagitan nito ay maaari niyang matupad ang maling mga inaasahan ng isang maligamgam na populasyon na nais, anumang ang hinihingin ng isang maligamgam na populasyon na gustong, ano man ang mangyari, maiwasan ang kahirapan. Siguro pinapahiwatigan ni Daniel ang ito nung sinasabi niya, “... sa pamamagitan ng kapayapaan marami siyang mapapatay” (
Daniel 8:25)
Ang doktrina ng pag-iwas sa kahirapan ay kontra sa mensahe ng Kristiyanismo. Sa katotohanan, ito’y isang fairy tale. Ngunit ang doktrinang ito ay halos unibersal; hindi lamang sa New Age movement, ngunit sa mga tao ring nagteteorya na ang rapture ay magaganap bago mangyari ang Pagsubok.
Isang bagay na sigurado sa mga hula: lahat ay magdudusa. Ang pangunahing tanong ay kung magdudusa man tayo sa pagsunod sa Diyos, o sa pagsuway sa Diyos. Kung pinili natin na mawasak sa ibabaw ng Bato ng mga turo ni Jesus, nagbabayad tayo ngayon, at tayo ay magdurusa sa pag-uusig dahil sa ating desisyon; ngunit kahit sa buhay na ito magkakaroon tayo ng espiritwal na ginhawa at malalim na kasiyahan mula sa pagiging tapat sa ating konsensya; at sa hinaharap magkakaroon tayo ng isang walang hanggan na gantimpala. Ipinapangako ng Diyos na itama tayo, kadalasan masakit, bilang isang pagpapahayag ng Kanyang pagmamahal. (
Revelation 3:19,
Hebrews 12:4-11) Kung pinipili nating iwasan ang pagdudusa sa maikling panahon, magbabayad tayo nang higit pa sa kalaunan, at wala tayong matatanggap na gantimpala. Sa sitwasyong ito ang pinakamahusay na maaari nating asahan ay para sa isang mabilis sa pagpuksa; at at maaari tayong magdusa sa hindi makakaya at napakasakit na galit ng Diyos, kasama ng ganap na kawalan ng pag-asa. Magwawakas ito sa ating pagiging wasak hanggang sa abok sa pamamagitan ng Bato. (
Luke 20:18.
Revelation 14:9-11, at
Revelation 16)
Ang doktrina ng pagduduusa at pagtitiis ay napakahalaga sa Kristiyanismo. Hindi lamang si Jesus nagbigay ng isang wakas-wakasang halimbawa ng pagmamatay para sa pag-ibig at Diyos, ngunit malinaw tayong tinuruan na gawin ang pareho. Mayroong isang apoy na darating; para sa mga di-naniniwala ito ay isang apoy ng pagkawasak (
Matthew 13:49-50,
Revelation 16:8); para sa mga masunurin ito ay isang apoy ng puripikasyon. (
Mark 9:49) Para sa mga Kristiyanong tumitiis hanggang sa katapusan, sa pagsunod sa Diyos, at mga “nagtagumpay”, nag-aangkin ng mga gantimpala kabilang ang buhay nang walang hanggan, kaligtasan, pag-upo sa trono kasama ni Jesus, pagiging mga anak ng Diyos, at iba pang mga bagay na mahirap maunawaan sa kasalukuyan, siguro sapagkat ang dimensyon ng langit ay kakaiba mula sa kung ano ang nakasanayan natin dito sa lupa. (
Revelation 2:26,
Revelation 3:5, 12, 21)
Nag-uusap ang Pahayag tungkol sa isang panahon ng matinding pag-uusig ng mga Kristiyano gawa ng Antikristo. (
Revelation 12:13, 17) Sa panahon ito titila na ganap na niwasak ng Antikristo ang mga Kristiyano. (
Daniel 7:21,
Daniel 7:25;
Revelation 13:7) Karamihan sa mga nag-akala na sila’y tunay na pinunong kristiyano ay mawawalan ng pananampalataya (
Daniel 11:35), ngunit ito ay lamang upang talagang masusubukan ang mga Kristiyano, upang makita kung ang kanilang pangwakas na pananampalataya ay sa Diyos (
Revelation 13:10) o kung ito ay sa kanilang mga pinuno sa relihiyon. Ang pagsubok ay upang makikita rin kung tayo ay tunay na susunod, titiis at tatagumpay, ano man ang mangyari. Mahirap sabihin ito nang may kaganapan kung gaanong magiging mahirap ang mga panahong ito. Tila ito na hahayaan tayo ng Diyos kung susunod tayo sa Kanya o hindi. Sinasabi ng Bibliya na hindi siya magbibigay ng mga pagsubok na lampas sa ating makakaya. (
1 Corinthians 10:13) Gayunman kung ano ang iniisip natin na “hindi makakaya” ay hind lagi kung ano ang iniisip ng Diyos na maaari nating makayanan.
Isang napakahalagang bahagi ng Pahayag ay nag-uusap tungkol sa isang unibersal na sistema ng pagmamarka kung saan “... walang sinuman ang maaari magbili or magbenta…” kung wala ito (
Revelation 13:17) Para sa mga tumatanggap sa markang ito ay “...paiinumin ng Diyos ng purong alak ng kanyang poot na ibinuhos sa kopa ng kanyang galit; at … pahihirapan sila sa apoy at asupre...” (
Revelation 14:10). Ang mga tauhan ng Diyos ay inilarawan bilang sa mga “...nagtagumpay laban sa halimaw, at laban sa larawan nito, at laban sa marka nito, at laban sa bilang ng kanyang pangalan...” (
Revelation 15:2). Ang bilang ng halimaw ay 666 (
Revelation 13:18), at ang bilang ito ay isang mahalagang bakas na maunawaan ang paraan kung saan ginagamit ng Diyos upang hiwalayin ang Kanyang mga anak mula sa mga anak ng diyablo.
Mayroon nag-iisa pang bahagi sa Bibliya kung saan makikita ang bilang 666; ito ay ang bilang ng mga talento ng ginto na tinanggap ni Solomon sa loob ng isang taon (
1 Kings 10:14). Ang koneksyo sa pagitan ng dalawang talata ay na ang pareho sa kanila ay tumutukoy sa isang paraan ng pangangalakal, o pera, ang pag-ibig ng kung saan ay ang ugat ng lahat ng kasamaan. (
1 Timothy 6:10)
Ang pera ay isang paksa na patuloy na pinag-uusapan noon ni Jesus. Ito ay ang batayan ng lahat ng mga imperyo ng tao, at ang katumbalikan ng pananampalataya sa Diyos. (
Matthew 6:24) Tayo ay hinimok na huwag alalahanin ang tungkol sa anuman ng ating materyal na pangangailangan (
Matthew 6:25-31) at hangarin higit sa lahat ang kalooban ng Diyos (
Matthew 6:33). Ito ay ang sagot sa palaisipan ng sa libro ng Pahayag, sapagkat ito ay sa pamumuhay sa pananalig sa Diyos na lumalabas tayo mula sa Babilonya (
Revelation 18:4) at ito ay sa pamamagitan ng pamumuhay sa pananalig sa Diyos na maaari nating tanggihan ang marka ng Halimaw. Karamihan sa mga taong ang hindi maniniwala na mabubuhay sila nang walang marka, tulad lamang ngayon kung saan karamihan sa mga tao ay hindi naniniwala na maaari silang mabuhay nang walang pera. Kung tayo’y mabubuhay tayo nang walang inaangkin na mga ari-arian (
Luke 12:33,
Luke 14:33) at kung magtiwala tayo sa Diyos para sa ating pagkain at pananamit (bilang pagsunod sa mga turo ni Kristo) it ay magiging mas madali na sundan ang ang utos na tumakas kaagad, nang hindi tumitigil upang maghakot ng anumang bagay man lang, sa araw kapag ang “...nabunyag na ang Anak ng tao.” (
Luke 17:31-36)
Ang libro ng Pahayag ay nag-uusap tungkol sa tunay na simbahang(ang dalaga) tumatakas patungo sa isang lugar inihanda sa ilang para sa panahon ng Pagsubok (
Revelation 12:6) sa pamamagitan ng mga pakpak ng isang agila (
Revelation 12:14). Kriptikal na binabanggit ni Jesus sa sipi ni Lucas tungkol sa pagkatakas, na, “Kung saan naroon ang bangkay, doon nagkakatipon ang mga agila.” (
Luke 17:37) Tila na ito na maging isang pagtukoy sa tunay na simbahan na inihahatid patungo sa ilang at protektado (hindi bababa sa isang degri). Maaari na ang mga agila ay isang anyo ng sasakyang panghimpapawid na magpapadala sa mga Kristiyanong nakakalat sa mundo patungo sa isa’t isa, papalayo a sistema. Malalaman lang natin pagdating ng panahon.
Ang mga konsepto ng hindi pagtatrabaho para sa pera, pagtatrabaho para sa pag-ibig, at pagtitiwala sa Diyos ay nagsasama-sama upang bumuo ng isang tema na hindi lamang sumasagot sa palaisipan ng Pahayag, ngunit iyan ay isang pabalik-balik na temang lumalaganap sa buong Bibliya. Ang pananampalataya sa ilang ng mga Kristiyano sa panahon ng Pagsubok ay nakahilera sa karanasan ng mga Hudyo sa Exodus mula sa Imperyong Ehipto (
Exodus 12 at pasulong) kung saan pinakain sila ng manna na nahulog mula sa langit sa loob ng 40 taon. Sa pinakasimula ng Bibliya ay ang sumpa na iniligay kina mapagsuwail na Adam at Eva; karamihan sa sumpa ay kabilang ang pangangailang na magtrabaho sa ilalim ng sikat ng araw para sa pagkain (agrikultura) imbis ng malayang pagkain mula sa Punong-kahoy ng Buhay. Ngunit pinalayaan tayo ni Jesus mula sa pagtatrabaho para sa pagkain! (
Galatians 3:13) Iniutos niya talaga na huwag gawin ito. (
John 6:27)
Pagkatapos ng mga pangyayari sa panahon ng Pagsubok, tinatanggap muli ng mga taong matapat na nagsagawa ng mabubuting gawain (
Matthew 25:31-46,
Revelation 20:12-13) ang Punong-kahoy ng Buhay, na ang sumpa ay ganap nawala. (
Revelation 22:2-3)
Ang libro ng Pahayag ay bahagi ng pangkalahatang mensahe ng Bibliya, at ito ay mayroon malubhang pag-uugnay sa paano tayo dapat mamuhay ngayon, pati na rin ang pagkakaroong pag-uugnay sa mga panahon ng pagtatapos. Kahit kung ang panahon ng pagtupad sa mga hula ay noo’y hindi darating, ito ay may-kaugnayan pa rin, sapagkat ang libro ay talaga “Ang Pahayag ni JesuKristo”, at ito ay para lamang sa mga sumusunod kay JesuKristo. (
Revelation 1:1, at
Revelation 22:6) Tulad ng sinasabi ni Juan, “...ang oras ay papalapit na” (
Revelation 1:3). Mayroon pagtuturo sa librong ito kung saan ikinawili naming panatilihin. (
Revelation 1:3, at
Revelation 22:7) Ang pagsunod sa mga turo ni Jesus ay isang pangunahing susi sa pag-unawa sa librong ito… lalo na, ngunit hindi eksklusibo, sa panahon ng pagtatapos. Tila na ito na ang mga gatimpala ay para sa lahat ng mga tauhan ng Diyos sa mga nagdaang panahon. Ang presyo ay lahat ng ating mayroon natin (
Luke 14:33) ngunit ang gantimpala ay higit pa haysa sa maaari nating isipin. (
Matthew 19:27-30, at
Revelation 21:7)
“Makinig kayo! Darating na ako! Dala ko ang mga gantimpalang ibibigay sa bawat isa ayon sa kanyang ginawa! Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas. Pinagpala ang mga tumutupad sa kaniyang mga utos, na sila ay magkakaroon ng karapatang kumain mula sa punong-kahoy ng buhay.” (
Revelation 22:12-14) “Ang magtatagumpay ay magmamana ng lahat ng bagay. Ako ay kaniyang magiging Diyos at siya ay magiging anak ko.” (
Revelation 21:7)
(Tingnan rin:
Karunungan)