Mayroon isang termino na maraming taon ko na narinig at medyo ipinalagay ko lang na mayroon akong isang bagay na nakukulangan nung narinig ko ito. Ang salita ay intuwisyon. Hindi ko alam kung paano ito ginamit noon, ngunit alam ko na kadalasan ko naririnig ito ginamit kapag inihahambing ang mga kalalakihan at mga kababaihan. Ang mga kababaihan ay napagsabihan na mayroon silang kakayahan sa intuwisyon, o na intuwitibo silang mag-isip, habang ang mga kalalakihan naman ay iba ang kanilang paraan ng pag-iisip, halimbawa nang rasyonal. Maliban kung mayroon akong nakukulangan ng isang bagay, tila na lagi ito nagpapahiwatig ng dalawang bagay, kung saan nais kong mahamon sa artikulong ito: (1) na ang intuwisyon ay isang uri ng kakayahan; at (2) na ang mga kababaihan ay mayroon isang uri ng isang espesyal na pag-aangkin sa kakayahang ito.
Magsimula muna tayo sa pangalawa. Kung sinabi ko na mas malakas ang mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan, mayroong mga agad na magtuturo na may maraming kababaihan ang mas malakas kaysa sa maraming kalalakihan. At kung aking iminungkahi, halimbawa, na mas matalino ang mga kalalakihan kaysa sa kababaihan (at hindi ako naniniwala na sila nga), sa gayon dudulot iyan ng mas marami pang tensyon. Tayo ay mapapagsabihan na ang katalinuhan ay maaaring masukat sa maraming iba’t ibang anyo, at kung ang mga kababaihan ay hindi lumago nang sapat sa anumang aspeto, ito ay maaari lang na ang pagkakaiba ay nagsanhi sa mga pagkakamali sa pamamaraan ng pagsubok o sa pamamagitan ng pang-aapi mula sa mga kalalakihan. Sa ibang salita, sasabihin nila na ang mga kalalakihan aywalang nakakamit na isang uri ng isang espesyal na pag-aangkin sa katalinuhan man or pisikal na lakas.
Ngunit tayo ba bilang isang lipunan ay kumukuha ng parehong pag-uugali sa intuwisyon? Sinasabi ba natin na ang mga kalalakihan ay may kasing kakayahan sa intuwisyon tulad ng mga kababaihan, at na ang mga kalalakihan ay naaagawan sa mga pagkakataon upang mabuo nila ang kanilang intuwisyon? Hindi iyon ang palagay ko. Ito ay iniwagayway bilang isang bandila ng maraming feminist bilang isang bagay na mayroon lamang ng mga kababaihan, at na kumakatawan ito ng isang uri ng isang napakahalagang kahinaan sa mga kalalakihan.
Ngayon, maniwala ka man o hindi, ang artikulong ito ay hindi binalak bilang isang argumento laban sa mga kababaihan… o kahit laban sa mga feminist. Ito ay isang artikulo na pabor sa rasyonal na pag-iisip. Kita n’yo, kumakailan lang ako na nakarating sa konklusyon na ang intuwisyon ay hindi isang kakayahan talaga. Sa halip, ito ay isang paglalarawan para sa isang KAKULANGAN ng isang kakayahan, iyon ay ang katwiran na pag-iisip.
Ang isa ay maaari na ring lang ipagtalunan na ang kailangan natin ngayon ay mga taong KAKAUNTI ang talino kaysa sa mga taong MAS matalino.
At narito ang kung saan tayo’y maglilipat sa nauuna sa dalawang implikasyon na lagi kong iniugnay sa pag-uusap ng intuwisyon, iyon ay na ang intuwisyon ay isang uri ng isang kakayahan.
Narito ang kahulugan sa diksyonaryo: “tuwirang pagkamálay nang hindi umaasa sa anumang katwiran”.
Ang aking ipinapalagay ay na ang sinuman na mayroong tuwirang pagkamalay at namalayang alam kung BAKIT mayroon sila ng pagkamalay na iyon, ay nakukulangan man sa intuwisyon, o mayroong intuwisyon AT rasyonal na pag-iisip (iyon ay ang pangangatwiran). Magbibigay ako ng isang halimbawa: Nawawala ako sa lungsod, ngunit nararamdaman ko na dapat akong lumiko pakaliwa upang marating ko ang aking patutunguhan, at nararamdaman din nito ng aking asawa, ngunit sinasabi na kaya raw nararamdaman niya na dapat kaming lumiko pakaliwa ay sapagkat natatandaan niya na nakadaan siya sa isang matitiyak na landmark na makikita sa kaliwa nung hinahanap namin ang parehong lugar noong isang nagdaang okasyon. Ang isa ang makakapagsabi na mayroon akong ituwisyon, ngunit ang aking asawa ay mayroon mas higit pa kaysa sa intuwisyon. Mayroon siyang DAHILAN upang lumiko pakaliwa.
Ngayon iyong tanungin ang sarili nang matapat, ilang beses ikaw na nakaranas ng isang tulad na sitwasyon, at inisip mong dapat kang lumiko pakaliwa (nang walang malay na pangangatwiran upang isipin iyan), at pagkatapos ay iyong natagpuan na dapat ka nagliko pakanan? Matitiyak ko na kung nagsagawa tayo ng mga eksperimento, matatagpuan natin na ang mga taong may dahilan sa paggawa ng gayong mga desisyon ay mayroon mas mahusay na rekord ng pagiging tama kaysa sa mga taong gumagana lamang sa intuwisyon.
Kaya’t ang intuwisyon ba ay isang kakayahan? Sa palagay ko hindi. Sa palagay ko kinikilala lang nito ang isang kabiguan na maunawaan kung bakit ang sinuman ay nakakaramdam na ang isang tiyak na bagay ay tama; at nang walang dahilan, ang isang intuwitibong tao ay mas marahil na makakagawa ng mga maling desisyon. Nararamdaman ko rin na sa mga panahong iyon kapag gumagana nga ang intuwisyon ay kadalasan sapagkat MAYROON isang dahilan kung bakit ang tao ay may nararamdaman, kahit na hindi nila ito namamalayan. Kung NAMALAYAN nila nga ito, siyempre, mas mahusay silang makakapagpasya kung susunod man sila sa kanilang nararamdaman.
Ngayon pansinin na gumamit ako ng isang paglalarawan kung saan nakilala ng aking asawa ang landmark, habang ako naman ay nagkaroon lang ng isang karamdaman. Kita n’yo, hindi ko talaga pinapag-usapan ang tungkol sa isang labanan sa pagitan ng mga kalalakihan at mga kababaihan. Ang pinapag-usapan ko talaga ay ang tungkol sa isang labanan sa pagitan ng pamahiin at katwiran. Kung sinuman (lalaki o babae) na nagtataguyod ng intuwisyon bilang isang kakayahan ay lumalaban sa katwiran. Kapag wala kang anumang iba pa na susundin, sa gayon ikaw ay may kaunting pagpipilian kundi “magtiwala lang sa iyong intuwisyon” o “sumunod sa iyong nararamdaman”. Ngunit matitiyak na mas mababa ang posibilidad na ikaw makakagawa ng isang masamang desisyon kung mayroon kang isang bagay na mas higit pa kaysa sa intuwisyon upang sundin. At sa lalong pang kamalayan na maaari mong mabuo, mas mababa ang kakailanganin mo upang magtiwala sa intuwisyon.
Lahat ng ito umaayon sa ating paniniwala na kung ano ang kadalasan na natukoy bilang “panlalaki” at “pambabae” sa Bibliya ay may kinalaman lamang sa mga katangian na tradisyunal naiugnay sa mga lalaki at mga babae. Ang mga feminist na gustong mag-angkin ng isang espesyal na kakayahan para sa mga kababaihan, para sa dahilan na ang mga kababaihan ay may higit pang intuwisyon, ay, paniwala ko, talagang binababa ang mga kababaihan, o sinusubukan iligaw sila sa pag-iisip na ang intuwisyon ay isang kakayahan mismo. Ang dapat ginagawa ng parehong mga kalalakihan at mga kababaihan ay subukan na maunawaan ang kanilang intuitib na kaalaman, upang magamit nila nang mas mahusay ang parehong panig ng kanilang utak. At upang magawa iyan, kailangan nating tanggapin ang katotohanan na ang tuwirang pagkamalay KASAMA ang malay na pangangatwiran ay mas mabuti kaysa sa tuwirang pagkamalay NANG WALANG malay na pangangatwiran.