Ang ilang pagkabahala ay mas nauunawaan, at mas tapat, kaysa sa iba.
Inaasahan namin na ang artikulong ito ay tutulong sa mga tao na tanungin ang pagka-balido ng kanilang mga pagkabahala at kung ang isang bagay ay maaaring mangailangan na baguhin upang lumago papalapit sa Diyos at sa ibang mananampalataya, tulad namin.
(1) Mga Katakutan at Mga PalusotMaraming dahilan upang ibahagi ang katotohanan at maraming biyaya na pumupunta mula sa paggawa nito. Gayunman, ang pagiging sa ‘unahan ng linya’ na nagbabahagi ng ating mga paniniwala sa iba ay maaaring totoong nakakatakot para sa maraming tao. Maaari itong magdala sa pagkakalikha ng isang magkakatulad na bilang ng mga dahilan kung bakit hindi mamahagi doon sa labas. Ang pagsisisi sa mga materyal (hal. “Hindi ka dapat nakatuon sa propesiya kundi sa isang bagay na mas mapagmahal”) ay maaari maging isang magaan na palusot sa kung bakit hindi mamahagi. Ang matapat na pagmumuni-muni ang magbibigay diin kung tayo ba ay nahihikayat ng pagkatakot, pagmamataas, katamaran or isang ibang pag-uugali.
Naiintindihan namin na ang mga tao ay pupunta sa amin nang mayroon mga katanungan at pagkabahala, isang bagay na mayroon ng bawat isa sa atin sa sarili. Gayunman, nagmamakausap kami na suriin n’yo muna nang maayos ang aming materyal bago n’yo ipagpasya na balewalain ito. Kung iniisip mo na ang isang bagay ay sapat na mahalaga upang ibahagi sa iba, naisipan mo na bang gumawa ng iyong sariling materyal at ibahagi ito? Bukas kami sa mga ideya na konstuktibo ngunit naghahanap kami ng higit pa kaysa sa pag-uusap lamang.
(2) Masasamang BalitaIsa pang pagkabahala tungkol sa propesiya kung saan ay mas naiintindihan ay na madalas ito iniugnay sa mga “kooks” at mga relihiyosong panatiko binabalikuko ang propesiya upang makinabang sa sarili, kadalasan upang makakuha ng mga bagong miyembro, makagawa ng pera o gumanyak ng pagkatakot. Bawat oras na ang sinuman nagtatag ng isang petsa (halimbawa sa pagbabalik ni Jesus) kung saan lumilipas nang hindi natupad, magreresulta ito ng higit pang pagkakalito at kabiguan. Magdadala ito sa mga tao na layuin ang kanilang sarili mula sa paksa ng propesiya, o ganap na iwasan ito, sapagkat nakikita nila na mas ligtas pa ito. Gayunman, kukuwestyunin namin kung gaano ito ‘ligtas’.
Dahil lamang na ang propesiya ay di-taos na ginamit ay hindi pumipigil sa amin mula sa pag-abala sa propesiya nang matapat. Ang sagot ay hindi sa pag-iwas ng paksa ngunit tiyakin na ang ating motibasyon ng pag-aaral ay tama. Ito ay wais na tanungin ang sarili kung nais man natin ang isang propesiya na sabihin ang isang bagay, kaysa tayo ang umayon sa kung ano ang sinasabi talaga ng propesiya.
Kami ay nababahala na ang skeptisismo sa propesiya ang pumipigil sa mga tao mula sa pag kita kung paano ang pandaigdigang mga pag-unlad ay naaayon sa malaking larawan. Ito ay nagdudulot sa higit pang panlilinlang at ang mga tao na may pinakamataas na boses ang namamayani sa pandinig ng mga tao. Bilang pampadagdag nito, maraming huwad na doktrina tungkol sa propesiya ay umiiral sa loob ng simbahan, nagreresulta sa malawak na mayoridad ng tao na hindi maging hustong handa. Isang bagay ang kinakailangang gawin nang mabilisan tungkol sa lahat ng ito.
(3) Mga Pagkakabaluktot Ilang sinismo sa paksa ng propesiya ay dahil sa pagtuon nito sa mga bagay na hindi pa natutupad. Ang pananampalataya ay, “ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.” (
Hebrews 11:1) Ang pag-atupag sa hindi natin alam at alinsunod na tumutugon ay nangangailangan ng tiwala… at ang tiwala ng maraming tao ay nayugyog dahil sa mga masamang balita na nabanggit sa taas. Ang sagot ay ilatag ang ating tiwala sa isang bagay na mas solido. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng pag-aayon lahat sa “Punong Bato ” - si Jesus at ang kanyang mga turo - upang maging siguraduhin na hindi natin ihinihiwalay ang mga talata (‘proof-text’) o kunan ang mga bagay na wala sa konteksto. Kung ginagawa natin ito, karaniwan maaari nating mapagpasya kung ang isang propesiya ay totoo o hindi. (
Hebrews 4:12)
Ang regalo ng propesiya ay maaaring maabuso at nadbala ni Jesus na ang mga huwad na propeta ay lilitaw deretso bago ang kanyang pagbalik sa pamamagitan paggawa lang nito. (
Matthew 24:24) Habang ito ay wais na kuwestunin ang mga tao na hindi pa nasubukan, maaari tayo magkaroon ng higit pang kumpinyansa sa mga propesiya ibinigay sa atin ni Jesus at ng mga unang tagasunod. Higit 350 propesiya ng Lumang Tipan ang natupad sa Bagong Tipan, na ibig-sabihin na ang mga hula ng Bagong Tipan ay tiyak na matutupad din! Pati, kung ang isang bagay ay nahulaan ng isang Awtoridad tulad ni Jesus, ito ay wais na ikonsidera na dumaan siya sa pagpapahirap ng pagbibigay alam sa atin para sa ating pakinabang.
Sa wakas, dahil lang ang isang bagay ay hindi pa nangyayari ay hindi nangangahulugang sabihin na hindi ito kailanman na mangyayari. Tayo ay nabubuhay sa isang panahon na ang propesiya at ang realidad ay halatang patuloy na nagsasama-sama, kasama ang prediksyon sa
Revelation 13:16-18 bilang isang mahusay na halimbawa nito. Ang mga tao na umangkin na ang propesiyang ito ay noon ay haka-haka ay kinailangan suriin muli ang kanilang posisyon sa pagdating ng isang implantable microchip para sa mga tao na ginagamit para sa pagbili at pagbebenta simula noong 2004… isang bagay na hinulaan ng propesiya noong 2000 taong nakalipas.
(4) “Kapahamakan at Kalungkutan”Maraming tao ang maling nag-aakala na ang propesiya sa Bibliya ay tungkol lahat sa “doom and gloom” at pinupuno namin ng katakutan at pag-aalinlangan ang mga isip ng mga tao. Ang mga kuro-kuro tungkol sa kamatayan at paghuhukom ay mapaghamon ngunit hindi ito dapat ang magdudulot sa atin na tumakbo mula sa mga realidad na ito. Ang pagsasaalang-alan ng kamatayan at pakikipag-kita sa ating Tagapaglikha ay maaari maging ang punto kung saan tayo magsisimula na mamuhay nang tunay.
Ang ilang tao ang nagtatalo na hindi dapat tayo mag-alala tungkol sa hinaharap at dapat tayo maging abala sa pamumuhay sa ngayon. Tila mabuti ito, habang si Jesus ay nagsasabi ng isang tulad na bagay sa
Matthew 6:34. Gayuman, ito ay wais na kuwestunin ang mga motibasyon sa paggamit ng argumentong ito, lalo na kapag ito ay pumipigil ng isang balanseng pag-uusap ng propesiya. Kadalasan ang mga parehong taong ito ay lubhang nag-aalala tungkol sa kung paano sila makakapag-survive sa kasalukuyan, nagdudulot sa kanila na alipinin ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pag-aalala tungkol sa pagtatrabaho para sa pera.
Ang pagkabuhay muli at pagbabalik ni Jesus ay napakahalaga sa Kristiyanismo. Kung si Jesus ay binuhay muli, ito ay nangangahulugan na maaari tayo rin mabuhay muli. Sinabi ni Jesus: “ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito.” (
Matthew 10:39) Ang paghaharap sa ating pagkatakot sa kamatayan, at matutong mamatay sa sarili, ay ang Kristiyanong paglalakbay.
Ito ay nakakapag-bahala na ang tingin ng maraming nag-aangking Kristiyano sa pag-usap ng tungkol sa ‘huling mga panahon’ bilang negatibo. Mayroong mahahamon na aspekto ng propesiya ng mga Huling Panahon (hal. Panahon ng Dakilang Pagsubok kasama ng mga global na katastrope at malawakang pag-uusig ng mga mananampalataya). Gayunman, mayroon isang pagsasabi na: “It is always darkest before the dawn”. Ang “dawn” - ang panahon kung saan bumalik si Jesus upang talunin ang kasamaan at itatag ang kanyang Kaharian sa Lupa - ay ang aming pinakadakilang pag-asa. (tingnan ang
Revelation 21:3-7)
Ang pangalawang pagdating ni Jesus ay nagmamarka ng katapusan ng lahat ng makamundong kaharian na yumurak sa mga tao imbis na tumulong sa kanila. Ito ay “mabuting balita”, maliban kung tanggihan natin na tanggapin nang ganap ang rebolusyonaryong mga prinsipyo ng Kaharian ng Langit na tinuro ni Jesus (tulad ng pagiging isang lingkod kung naisin natin na maging dakila). (
Matthew 20:26-18) Si Jesus ay babalik upang punasan ang ating mga luha mula sa ating mga mata ng kanyang mga lingkod. Kung wala tayong kalooban na maglingkod sa Diyos at sa iba, sa gayon ito ay maaaring tiyak na maging isang makaiiyak na sandali!
Sinabi ni Jesus na siya ay babalik ngunit rin na ang kanyang Kaharian ay nasa loob natin ngayon. (
Luke 17:21) Marami bang nag-aangking Kristiyano na takot sa pag-iisip tungkol sa pagbalik ni Jesus upang ihusga ang mga bansa sapagkat hindi nila nais na mahatulan ng kanyang mga turo ngayon? (
John 12:48) Ang pinakamahusay na anyo ng paghahanda sa hinaharap ay ang kasalukuyang at patuloy na pagsuko. Ang pag-iimagine sa hinaharap ang makakatulong sa atin sa kasalukuyan, at ang pagsuko kay Kristo ngayon ay natural na hinahanda tayo para sa kanyang pagbalik.
Tinutukoy ni Jesus ang kanyang sarili bilang “ang simula at ang huli”. Ang paraan upang maunawaan ang katapusan ng lahat ng bagay ay sa pamamagitan ng pag unawa sa umpisa ng lahat ng bagay. Habang papalapit na tayo sa katapusan, ang mga pangyayari ang mangangailangan ng isang pagbabalik sa simplisidad ng mensahe na binigay ni Jesus sa simula (cross reference
Hebrews 10:25 kasama ng
Acts 4:32-35, bilang halimbawa). Ito nagdadala sa atin sa huling seksyon sa ibaba.
(5) Nasaan ang ‘Mensahe ng Ebanghelyo’
Ilang indibidwal ang nagpahayag ng pagkabahala na tinanggalan namin ang ‘mensahe ng ebanghelyo’ mula sa mga materyal na ibinibigay namin, isang kasabihan na matibay namin di-sumasang-ayon. Para sa mga maraming magsisimba, ang ‘mensahe ng ebanghelyo’ ay binuod sa
John 3:16. Gayunman, ang ‘pagsasampalataya kay Jesus’ ay mas higit pa kaysa sa pagsasampalataya lamang sa kanyang kamatayan at pagkabuhay muli; ito ay ang pagsunod sa mga tinuro niya . (
John 14:15)
Ito ay lubhang nakakabahala na ang tingin ng napakaraming nag-aangking Kristiyano sa mga tekstong propetika, tulad ng Ang Libro ng Pahayag, bilang magkahiwalay mula sa tunay na ‘mensahe ng ebanghelyo’. Sa kasamaang palad, madalas nilang tinitingnan ang lahat ng tinuro ni Jesus sa mga ebanghelyo bilang magkasalungat sa ‘mensahe ng ebangheyo’ rin!
Sa pagbubukas ng Ang Pahayag ay sinasabi: “Ang Pahayag ni Jesu-Krsito, na ibinigay ng Diyos sa kanya, upang ipakita sa kanyang mga lingkod ang mga bagay na malapit nang maganap...” (
Revelation 1:1) Ang libro ay para sa mga lingkod ni Jesu-Kristo. Ang desisyon na balewalain ang mensaheng ito, or kahit umabot sa pagkokondena sa atin na bumabagahi nito sa iba, ay malinaw na hindi nagmumula sa Espiritu ni Kristo kundi mula sa iba pang espiritu.
Ang mga propetikong turo ni Jesus na nilalaman ng apat na ebanghelyo at ng Ang Pahayag ay bahagi ng ‘mensahe ng ebanghelyo’. Sa anong punto na ang isang bagay nasa loob ng mga salita ni Jesus ay tumitigil sa pagiging bahagi ng enbanghelyo?! Nung sinabi ni Jesus “Magsisi at sumampalataya sa mabuting balita” (
Mark 1:15), ang ibig-sabihin niya ay ang buong mensahe. Kung tumuon tayo sa isang turo habang ibinubukod ang iba, o dagdagin at alisin mula sa mensahe, malinaw na hindi tayo sumasampalataya sa ebanghelyo na naglalagay sa atin sa isang mapanganib na posisyon. (Mateo 5:19;
Revelation 22:18-19)
Ang Pahayag ay maaaring maging mahamon upang unawain ngunit hindi dapat ito ang magiging hadlang sa atin na subukan ito. Tayo ay binigyan ng isang bital na palatandaan sa kung paano unawain ang librong ito (at lahat ng propesiya) nung sinasabi ng anghel kay Juan: “...ang testimonya ni Jesus ay ang diwa ng propesiya.” (
Revelation 19:10) O ibang salita, sa pagkakaunawa at pagsunod sa mga turo ni Jesus, ang misteryo at diwa ng propesiya ay ipinakita.
(Halimbawa, mauunawaan ng isang taimtim na tagasunod ni Jesus ang sinabi niya tungkol sa Diyos at kayamanan bilang imposible na lingkuran nang magkasabay (Mateo 6:24) at mauunawaan na ito ay naaayon sa hula tungkol sa cashless society (
Revelation 13:16-18). Ginagamit ng Antikristo ang Kayamanan upang alipinin ang mga tao, samantala naman pinapalaya tayo ni Jesus mula sa pagtatrabaho para sa pera, kung saan magbibigay sa atin ng kakayahan upang tanggihan ang marka ng halimaw kapag nagiging imposible na bumili o bumenta nang wala ito)
Sinabi ni Jesus na marami sa kanyang turo ay ibinigay upang ihanda tayo. (
John 16:1&4) Tinuruan din tayo ni Jesus na mahalin ang iba sa paraan na minamahal niya tayo. (
John 13:34) Kaya ang anumang pag-usap tungkol sa ‘pagmamahal’ o ‘mensahe ng ebangheyo’ na nagpapawalang-bahala sa kung ano kailangan nating gawin upang maging handa ay hindi ang uri ng pagmamahal na tinuro ni Jesus.
Lubha kaming nababahala na ang publiko ay aktibong hinahanda upang tanggapin ang Antikristo at ang kanyang mga kasinungalingan, kasama ng marami sa simbahan nabibilang sa kategoryang ito, nililinlang man or nanlilinglang. Ang di-pagkakaunawaan tungkol tunay na ‘mensahe ng ebanghelyo’ ay nag-aambag sa kasinungalingan. Karamihan sa mga Kristiyano ay tinuturuan na sabihin “Panginoon, Panginoon” ngunit hindi sila tinuturuan tungkol sa mga pagtuturo ni Jesus, sa teorya man o sa pagsasagawa. (
Luke 6:46-49) Halimbawa, itinuturo tayo ni Jesus na ipagbili natin ang ating mga ari-arian at ibigay ang pinagbili sa mga mahihirap (
Luke 12:33); upang ibahagi ang mensahe sa iba (
Matthew 28:19-20); at magtiwala na ang Diyos ang mag-aalaga sa atin araw-araw. (
Matthew 6:25-34) Anong mas mahusay pang paghahanda na mayroon kaysa dito, pareho para sa kasalukuyang panahon na tinitirhan natin at para sa paglilingkod sa Kaharian ni Jesus kapag dumating na siya?
Sa mga nagdaang panahon, ang mga miyembro ng aming komunidad ay nakapag mahagi ng mga materyal na tumutuon sa iba’t ibang aspekto ng mensahe. Kamakailan lamang, naramdaman namin na mamahagi ng mga materyal (tulad ng aming pelikula ‘The Mark’, at ang libro, ‘Not For Everyone) para sa dalawang pangunahing dahilan: (1) Tinutuklasan nito ang mga pag-uunlad na nangyayari sa ating harapan upang mabatid ang mga tao; at (2) Itinuturo ng mga ito ang solusyon ni Kristo ng pamumuhay-sa-pananalig upang matulungan ang mga tao na maghanda. Patuloy kaming sumasaksi ng isang seryosong ‘kakulangan sa loob ng mga simbahan’, na may mga simbahan na nangangaral tungkol sa ‘pag-ibig’, pagpapatawad, at ang panalangin ng makasalanan, kalusugan, at kasaganaan, mga palatandaan atbp., ngunit nang may napaka kaunting simbahan na nagtuturo sa mga tao na sundan ang halimbawa ni Jesus, lalo na kapag hinahamon nito ang status quo.
Ipinapakita ng mga pandaigdigang mga pag-uunlad na tayo ay nasa pintuan ng pinakamahamon na panahon sa kasaysayan ng tao na makikita ng mundo. Kung tayo ay mahahagis sa isang digmaan, ang pagtatanggi sa realidad ay hindi makakatulong sa sinuman. Ang kinailangan, ay malinaw na bisyon and masusing paghahanda. Higit kailanman, kailangan makita ng mga tao ang pag-ibig na isinasagawa tulad nang ipinaliwanag ni JesuKristo. Ito ay ang tunay na ‘ebanghelyo ng kaharian’ kung saan kailangan ipangaral sa lahat ng tao bago dumating si Jesus.
Konklusyon
Inaasahan namin na ang artikulong ito ay nakatulong sa pag-aatupag ng iba’t ibang alinlangnan at pagkabahala kinalaman sa pagtingin sa at pamimigay ng materyal tungkol sa mga propesiya sa Bibliya. Tulad ng ipinakita namin, ang diwa ng propesiya at ang mga turo ni Jesus ay iisa at pareho. Sa kasamaang palad, ang aming karanasan na magbigay petsa ay na ilang tao lamang ang tila natutuwa dito na nagreresulta sa isang seryosong kakulangan ng espiritwal at praktikal na paghahanda. Sa pagkikilala nito, inaasahan namin na ikokonsidera ng mga mambabasa na maaari tayo dinadala ng Diyos na lumabas kasama ang aming mensahe upang tulungan pag-usaapan muli ang problemang ito. Sa wakas, inaasahan namin na ang ilan sa inyo ay magiging inspirado na tumulong sa mabilisan at mahalagang misyon habang may panahon pa.