Click on the quote below to read the article...


Mayroon isang parirala na tila binubuod ang pinaka diwa ng ugnayan sa pagitan ng mga Ebanghelyo at ng Ang Pahayag, at iyon ay ang parirala na aking ginamit bilang pamagat sa artikulong ito.

Nakakalungkot na mayroon isang pakiramdam sa maraming nag-aangkin na Kristiyano na kung ano ang nilaman sa Ang Pahayag ay misteryoso at mga nakakalitong simbolismo lang tungkol sa mga paksa na masyadong mahirap intindihin at hindi talaga mahalaga sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga Kristiyano. Gayunpaman, kapag iyong obserbahan kung gaano lamang ginamit ang terminong “kaharian ng Diyos” o “kaharian ng langit” sa mga ebanghelyo, at kung gaano binubuod nito sa kung ano’ng itinuro sa Ang Pahayag, ito ay nagiging malinaw na ang Ang Pahayag ay bital sa buhay ng bawat nagsasagawang Kristiyano, lalo panahon ngayon sa kasaysayan ng tao.

Sa Ama Namin, inuutos ni Jesus sa kanyang mga tagasunod na magdasal nang paulit-ulit, bawat oras na lumalapit tayo sa Diyos, na maaaring dumating ang kanyang kaharian. Ang pag-uugaling ito ay pundmental sa ating ugnayan sa Diyos. Sa mga turo at mga talinghaga ni Jesus, iyong mahanap ang isang parirala na lumilitaw nang paulit-ulit: “Ang Kaharian ng langit ay maitutulad sa isang...” at siya ay nagpatuloy mula roon upang magbigay ng mga clue tungkol sa ano dapat nangangahulugan ang dakilang kaharian na ito para sa lahat na nais na maging kanyang mga tagasunod. Ang paglago sa ating pag-unawa sa misteryosong kaharian na nito ay halatang mahalaga rin sa ating Kristiyanong paglalakad.

Aking itinuro noon na ang buong pamagat ng huling libro ng Bibliya ay “Ang Pahayag ni JesuKristo.” Ngunit si “JesuKristo” ay higit pa kaysa sa isang pangalan lamang. Kapag iyong pinag-aralan ang propesiya sa Bibliya, iyong mahahanap na marami ito sinasabi tungkol sa mga hari at mga kaharian, at isa sa mga obserbasyon na ginawa namin ay na ang mga hari at mga kaharian sa kung saan sila ay namumuno ay madalas parehong ginagamit. Isang “sungay” sa ibabaw ng isang “halimaw”, halimbawa, ay maaaring sumangguni bilang isang “hari , ngunit maaari ito rin sumangguni bilang isang “kaharian”. At kaya, ang “pahayag ni JesuKristo” ay maaaring maging isang pahayag kung saan gumagawa ito upang mas pahalagahan natin sa kung sino si JesuKristo, ngunit maaari ito rin maging ang pangunahing pahayag kung saan dinadala ni JesuKristo, iyon ay, isang pahayag ng kanyang kaharian. At ang pinakadakilang paradox na iyon ay ang mga ito ay hindi dalawang magkakaibang mga bagay, kundi ang mga ito ay iisa at pareho. Hayaan kong subukan na ipaliwanag.

Ang misteryosong bagay na ito na tinawag ni Jesus “ang kaharian ng langit” ay hindi isang kaharian na nakikita; ito ay hindi “makamundo”; hindi ito pinamumunuan ng mga mahalay na sandata; sa katunayan, sa pamamagitan ng mga pamantayan ng politiko ng tao, hindi ito isang kaharian talaga. Sa halip, ito ay isang ugnayan sa pagitan ng sangkatauhan at ng ating Tagapaglikha. Ito ay kinabibilangan ng mga pag-uugali at ng mga espiritwal na bagay na gumagana sa buhay ng mga mapagkumbaba, mapagmahal, at taimtim sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Lahat ng mga bagay na ito ay namumula sa Espiritu ng Isa na Naglikha sa atin, kung saan, sa isang misteryosong paraan, ito rin ay ang Espiritu ng Isa na namatay sa krus sa Israel noong 2,000 taon nakalipas. Sa iba’t salita, ang kaharian ng Diyos AY ang Espiritu ni Jesus. Ang kaharian ng langit ay ang PAHAYAG ni Jesus. Ang kaharian ng langit ay ang kung ano pumarito si Jesus upang ipakita, habang na ito ay isang bagay na darating pa kapag dumating na siya.

Ang patuloy na ugnayan at pahayag sa pagitan ng Tagapaglikha at ng Kanyang Likha ay kung bakit ang Ang Pahayag ay, para sa akin, napakamahalaga sa pagkakamit ng isang mas ganap na pag-unawa sa lahat ng sinabi at ginawa ni Jesus sa mga Ebangheyo. Ang trabaho ay patuloy pa rin, at ito ay humahantong sa isang mas ganap na pahayag ng kalooban ng Diyos kaysa sa naranasan pa ng sangkatauhan.

Ang hula sa “Pitumpung Linggo” sa libro ng Daniel ay isang makabuluhang bahagi ng progresibong pahayag ng kaharian ng Diyos na iyon, habang ipinapakita nito na ang “mga tauhan ng Diyos” ay umiba mula sa pisikal na mga inapo ng Israel (Jacob), sa mga indibidwal saanman na mayroon isang mapagkumbaba at mapag turuan na pag-uugali sa Diyos, sa isang panghuling pagsasama-sama ng lahat ng mga taimtim na indibidwal na iyon sa huling pitong taon ng kasaysayan ng daigdig bago lang dumating si Jesus. Itong nakakamanghang larawan ng kaharian ng Diyos ay nilalampasan ang lahat ng ating pagsisikap na magdala ng kapayapaan sa mundo sa pamamagitan ng mga gawang-tao na mga relihiyon, mga pamahalaan ng tao at kahit sa pamamagitan ng mga protesta ng tao laban sa mga pamahalaang iyon.

May isang tunay na kaharian na paparating, ngunit ito ay masyadong mataas at lagpas sa anumang maaaring nakamit ng mga pagsisikap ng tao, na kakailanganin natin ng isang makapangyarihang espiritwal na pagbabago bago natin maaari lang simulan na unawain ito. Tulad ng sinabi Jesus kay Nicodemo, “Maliban kung ipinanganak muli ang isang tao, hindi nila kailanman makikita ang kaharian ng langit.” Ang pagbabagong ito ay ang pinakamataas na pagtawag ng bawat nabubuhay na kaluluwa sa planetang ito.

Ang kaharian na iyon ay “papalapit na”. Ito ay mas malapit ngayon (siyempre!) kaysa noon, at kaya’t kailangan tayo “mapanganak muli” ngayon higit pa kailanman noon, upang maging handa para dito.

Kalimutan na ang mga relihiyosong organisasyon. Kalimutan na ang mga pormal na ordinasyon at teolohikal na pagsasanay. Kalimutan na ang mga iba’t ibang politikal na ideolohiya at mga ahenda. Kalimutan na ang lahat maliban sa iyong ugnayan sa Panginoon ng Unibersidad at ng paparating na kaharian na kung saan siya lang ang nag-iisang humahawak sa mga susi. Ihanda n’yo na ang daanan para sa dakilang Araw ng Panginoon! Iyon ay ang tawag ng Diyos sa bawat isa sa atin ngayon. At upang tugunan ang pagtawag na iyon, kailangan natin buksan ang ating mga puso at mga isipan sa mga katotohanan ng Ang Pahayag… ang mga pangyayari na mas makabuluhan sa mga “huling panahon” na ito, tulad ng ang pagbubuo muli ng Templo sa Jerusalem, ang institusyon ng isang pandaigdigang “marka” sa kanang kamay o sa noo, nang kung wala ito hindi maaaring bumili o magbenta ang mga tao, at ang pag-angat ng isang pinuno ng mundo na tila na nagdadala ng kapayapaan sa mundo. Lahat ng mga pangyayaring ito ay nagtuturo sa isang bagay na higit pang mas matindi na dadating PAGKATAPOS ng mga ito ayon sa Ang Pahayag. Ang taimtim ay humigit sa mga huwad, ngunit ang panghuling pagtupad nito ay mangyayari pagkatapos ginamit ng Diyos ang mga kasinungalingan ng Antikristo upang ipaghiwa-hiwalay ang mga puso ng sangkatauhan.

Paparating na ang Kaharian ng Diyos, mga Kaibigan. Ang Kaharian ng Diyos ay paparating na! Kailangan natin maging handa, sa puso at isipan at kaluluwa. Ang mga relihiyosong huwad ay papalapit na sa kanilang kawakas-wakasan, at ang mga politikal na kahalili ay paparating sa kanilang diabolikal na katapusan. Tayo ay patungo pa lang sa mga panahon ng pinakamatinding kaguluhan na kailanman dumating sa daigdig. Ang mga kasinungalingan ay magiging kakalat-kalat at napaka matalas. Ang isang mapagkumbabang puso sa harapan ng Diyos lang ang magproprotekta sa sinuman mula sa pagiging bahagi ng matinding kasinungalingan. Bawat is sa atin ay nangangailangan na lumuhod sa harapan ng Diyos at umiyak para sa kanyang proteksyon at pagsuklob… na maaari tayong maging ganap na sumuko sa kanyang kalooban at bukas sa kanyang kaharian, kung saan maghahari lamang sa mga puso ng mga handang ibigay lahat at maging tulad ng mga maliliit na bata sa kanyang harapan.



Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account