Click on the quote below to read the article...

Nilikha: 01 March 2001

Ang artikulong ito ay isang pagpapatuloy ng isang paksa na madalas na lumalabas sa nakalipas na ilang taon. Tinatalakay nito ang dilemma na umiiral kapag ang isang pinuno (o ang komunidad sa kabuuan) ay nakatagpo ng isang tao na nagpapakita ng ilang espiritwal na pahiwatig na magaganda, ngunit nagpapakita rin ng isang atubili na harapin ang isang partikular na kahinaan o pagkakamali. Ang aming tradisyunal na paraan ay kumuha ng karaingan sa nagkasala, at isulong ang karaingan mula sa unang yugto hanggang sa pangalawa, hanggang sa ikatlo, at sa wakas ay paalisin siya sa komunidad kung ipagpapatuloy niya ang kanilang pagtanggi na harapin ang pagkakasala. Ang proseso ay nasa Kasulatan at kapaki-pakinabang.

Ngunit sa isang yugto ay natuklasan namin na nakatutulong ding bigyan ang tao ng pagkakataon na magnilay, malayo sa mga akusasyon ng mga tao sa pagpupulong sa karaingan (grievance meeting), upang "pag-isipan" nila kung ano ang sinasabi. Kinikilala ng bawat isa sa amin na ang kritisismo ay kadalasang mahirap tanggapin kaagad. Tama man o mali, ang una nating reaksyon sa kritisismo sa pangkalahatan ay tila ipagtanggol ang ating sarili, itanggi ang problema, sisihin ito sa mga pangyayari o sa ibang tao. Ngunit ang panahon malayo sa komunidad ay kadalasang nakakatulong sa amin na tingnan nang mas maayos ang mga bagay-bagay.

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nakakatulong ang pagbibigay ng pagkakataon na magnilay ay dahil, kapag malayo tayo sa ating mga kritiko, hindi natin kailangang harapin ang di-sinasadyang pagmamalaki na umuusbong sa sandaling tayo ay pinupuna. Nagagawa nating pag-isipan ang mga bagay-bagay, upang isaalang-alang ang mga alternatibo sa pagtanggap ng kritisismo (hal. mapaalis sa komunidad), at gumawa ng mga mataktikang paraan upang maibalik ang ating sarili sa pabor sa lahat ng nasa komunidad. Ang bawat isa sa mga puntong ito ay kumakatawan sa isang uri ng espirituwal na kompromiso, isang paraan upang hindi talagang iwasak ang ating pagmamataas at tanggapin ang mapait na katotohanan sa unang pagkakataong marinig natin ito. Ngunit binigyan namin ang mga tao ng mekanismo na ito na magnilay dahil kami mismo ay hindi perpekto, at dahil kami rin ay dumaranas ng parehong problema kapag pinupuna.

Ang talagang gusto namin, maging sa isang panahon ng pagninilay o sa mismong greivance meeting, ay ang mga tao na maging ganap na sumuko sa Diyos. Ang pagbibigay ng pagkakataon na magnilay sa mga tao ay maaaring magdulot sa kanila na gamitin ang pagkakataon na iyon para sa kanilang pansariling kalamangan, at hindi upang taimtim na hanapin ang Diyos sa bagay na iyon. Ngunit ang pagiging masyadong malupit sa paghaharap sa kanila ay maaari ring magdulot sa kanila na sumuko sa napakaraming opinyon ng karamihan, sa halip na tunay na pakinggan ang Diyos at isaloob ang katotohanan na sinusubukan niyang ituro sa kaniya.

Kailangan nating makita na ang ating trabaho bilang mga indibidwal gayundin ang ating trabaho bilang isang komunidad ay ang pagtatayo ng kaharian ng langit, at hindi lamang ang pagtatayo ng sarili nating organisasyon. Maaaring mas mabuti para sa kaharian ng langit na ang ilang tao ay nasa labas ng ating komunidad. Maaaring kailanganin natin silang bigyan ng pagkakataon na magnilay upang aktwal na umalis sa komunidad upang ayusin ang mga bagay sa pagitan nila at ng Diyos. Ang dahilan para dito ay sapagkat na ang malapit na pamumuhay ng mga miyembro sa komunidad ay nagdudulot ng malakas na “presyur ng kagrupo” sa mga tao na umayon sa kagustuhan ng nakararami; at ang presyur na ito ay maaaring pumalit sa Diyos sa buhay ng isang miyembro ng grupo. Upang maitayo ang kaharian ng langit, kailangan nating mahikayat ang mga tao na makita lagpas sa pagsunod sa kalooban ng komunidad, at upang matuklasan ang pagsunod sa kalooban ng Diyos.

Ang mga taong umaalis sa komunidad ay madalas umaalis nang may dinadaman, dahil sinasabi nilang napilitan silang magsagawa ng mga disiplina sa komunidad na hindi naman nila gustong gawin. Maaaring wala silang masyadong lakas ng loob para magsalita. O baka masyado silang makasarili upang makisali. Ngunit hindi natin dapat kaligtaan ang posibilidad na maaaring masyado tayong naiinip sa pagkuha sa kanila na sumali at hindi natin sila binigyan ng pagkakataon na magnilay upang lubusang pahalagahan ang pangangatwiran sa likod ng ilang disiplina ng grupo. Sa mga pagkakataon kung saan hindi praktikal o imposible para sa isang tao na manatili sa loob ng komunidad at ginagawa pa rin ang kanilang sariling bagay, maaaring kailanganin nilang talagang umalis sa komunidad upang makahanap ng sapat na pagkakataon na magnilay upang ayusin ang isyu.

Kapag nangyari ito, madaling tawagin ang tao bilang isang backslider, isang rebelde, isang nanggugulo, o ilang iba pang parehong nakakasakit na pagtawag. Kung ang mga pamagat na ito ay totoo o hindi, ang mga ito ay bumubuo pa rin ng isang pagtatangka ng komunidad tumuligsa sa pagkakataon ng pagninilay na ibinibigay natin sa tao. Gusto nating sumama sa kanila sa kanilang pagkakataon na iyon, at gusto nating ipaalala sa kanila na mali sila at tama tayo... na gusto nating magpahid ng kaunting asin sa kanilang sugat... para sa kanilang ikabubuti, syempre! Kapag nangyayari ito, gayunpaman, hindi natin sila binibigyan ng oras upang ayusin ang kanilang mga sarili sa Diyos, dahil sinusubukan pa rin natin silang ayusin ang kanilang sarili sa atin.

Napakamapagpasenya ang Diyos sa mga tao. Binibigyan niya tayo ng habambuhay upang magpasya kung ano ang ating gagawin sa ating buhay. Karamihan sa atin ay gumagawa ng ilang napakasamang desisyon, at kailangan nating magbayad nang magpakailanman para sa mga desisyong iyon. Ngunit binibigyan tayo ng Diyos ng kalayaan na gawin iyon. Sa buhay na ito, ang pagtuon ay ang malayang pagpapasya. Ang lahat ng ebidensya ay tila nagpapahiwatig na inabuso ng mga tao ang kalayaang iyon. Inabuso ito nina Adan at Eva sa Halamanan ng Eden, at halos lahat ng tao mula noon ay ginawa ang parehong bagay.

Ngunit tila handa ang Diyos na maiwala ang lahat ng mga taong iyon alang-alang sa isang nag-iisang Noe o nag-iisang Abraham. Si Noe at Abraham ay walang grupo na nagpilit sa kanila na umayon sa kalooban ng Diyos. Nabuhay sila sa isang ganap na paganong mundo, gayunpaman, silang dalawa ay sumunod sa kanilang konsensya hanggang sa matagpuan nila ang kalooban ng Diyos para sa kanilang buhay.

Dahil sa matinding hangarin ni Abraham na malaman ang katotohanan, nakipagpulong ang Diyos sa kanya at nagsikap siya na magparating ng ilang disiplina sa kanya at sa kanyang mga inapo. Ang problema ay hindi nagkaroon ang kanyang mga inapo ng parehong matinding paghahangad na malaman ang katotohanan, kaya sumunod na lamang sila sa mga alituntunin na natanggap ng kanilang mga ninuno mula sa Diyos, at sumunod sila sa presyur ng kagrupo nang higit pa kaysa na sumunod sila sa kalooban ng Diyos.

Kaya iyon ay ang panahon kung saan ipinadala ng Diyos si Jesus upang ibigay sa atin ang bagong konseptong ito ng di-nakikitang kaharian ng langit. Siyempre, ang ilang mga aspekto nito ay hindi bago. Marami sa mga ito ay katulad ng naranasan nina Abraham at Noe, ibig sabihin, walang nakikitang relihiyon ang nagsasabi sa kanila kung ano ang tama o mali, kundi ang Espiritu ng Diyos na nagsasalita sa kanilang puso at hinahatulan sila ng kasalanan. Sundin ang mahina at banayad na tinig ngayon, at ikaw ay magiging isang Abraham o isang Noe; kung iyong hindi pansinin ito, magiging katulad ka ng natitirang bahagi ng mundo sa kanilang paligid.

Upang mabuo natin ang ganoong uri ng kaharian, kailangan nating bigyan ng sapat na lubid ang mga tao upang sila’y magbigti. Ang ibig kong sabihin dito ay dapat natin silang bigyan ng sapat na pagkakataon na magnilay upang ganap sila na tumalikod mula sa Diyos nang walang tumutuligsa. At nakakatulong na maunawaan na hindi silang higit na tumalikod mula sa Diyos kung sila’y nagpatuloy sa pagkasala sa labas ng komunidad kaysa sa kung mananatili sila sa komunidad at sumunod lamang dahil sa presyur ng kagrupo. Ang katotohanan na ang halos lahat ng tao ay hindi nakikinig at sumusunod sa tinig ng Diyos ay hindi dapat magpaggawa sa atin na ikompromiso ang katotohanan. Ang "katotohanan" ay ang mensaheng isinisigaw natin sa mga tao araw-araw sa mga lansangan: "Sundan si Jesus o pumunta sa impiyerno!" Ngunit ang katotohanan ay nagpapahiwatig din, "Huwag mo kaming sundan." At ang isang kalahati ay dapat ipangaral gayundin ang isa.

Tiyak, alam namin na pagsasamantalahan ng mga tao ang mensahe tungkol sa hindi pagsunod sa amin, at agad nilang susundin ang sarili nilang mga kagustuhan. Ngunit maaari rin nilang pagsamantalahan ang mensahe tungkol sa pagsunod kay Jesus, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga inaasahan ng ating komunidad nang walang tunay na kumbiksiyon.

Ang iminumungkahi ko rito, para sa inyo na gustong maging tunay na espirituwal na mga pinuno sa kaharian ng langit, ay dapat matuto tayong pabayaan ang ating mga tagasunod, panoorin silang umalis at gawin ang mga bagay sa kanilang sariling paraan, at mahalin pa rin sila at ipagdasal sila, at talagang hikayatin sila sa mga aspekto kung saan sila ay nagpapakita ng mga palatandaan ng paglago. Maaaring kailanganin nating tanggapin na hinding-hindi nila malalampasan ang problema na nagpalayo sa kanila mula sa atin sa simula. Ngunit gawin man nila o hindi, ay nasa pagitan nila at ng Diyos.

Hindi ko alam kung paano iginuguhit ng Diyos ang mga linya, ngunit ang mga tao ay tila na natatanggap sa Kaharian ng Diyos sa ilang aspekto ng kanilang buhay kahit na sila’y ay nasa labas nito sa ibang mga aspekto. Habang ginaganyak natin sila sa mga aspekto kung saan gusto nilang lumago, binubuo natin ang kaharian ng langit. At maaari natin buoin ang kaharian ng langit sa halos sinuman na ating makilala sa pamamagitan lang ng ganyakin ang siklab ng Espiritu ng Diyos na nasa sa kanila. Sa iba naman sa kanilang ginagawa (na tila kumokontra sa kalooban ng Diyos) ay dapat nating hayaan upang ayusin ito ng Diyos. Sa katunayan, ang pasensya na ating pinapakita sa kanila kapag napagpasya nilang isagawa ang kanilang malayang pagpipili nang hindi wasto ay bahagi ng ating paglago sa mga birtud ng kaharian ng langit.

Ako’y nag-eeksperimento nang kaunti sa bagay na ito, at sa palagay ko na maaaring makatulong ang ganitong uri ng pasensya sa ilang tao na lumago sa isang paraan na hindi maaaring gawin kapag patuloy nating inaabala natin sila na lumago. Alam ko na pinilitan ako nito na mas ayusin ang aking sariling ugnayan sa Diyos habang isinasaalang-alang ko ang posibilidad na maaari kong maiwala ang mga taong lubos kong minamahal, at makita silang sumisira sa kanilang buhay sa prosesso, kung hindi ko sila ibinabala. Ngunit sa pagdaan ng mga taon aking nakita na hindi palagi gumagana ang aking pagbabala rin. Nakikita ko ang aking sarili na talagang lumago patungo sa isang uri ng pagiging solo sa espiritwal kung saan inaayos ko ang aking ugnayan sa Diyos at hayaan ayusin ng iba pa ang kanilang sarili. Ang mga bagay na ito ay nakakatakot; ngunit ito’y medyo nakakalaya. Sa katunayan, ito’y tila kung ano ang ibig-sabihin ng kaharian ng langit. Siguro na ang panahon na mag-isa mula sa pakiramdam ng pagiging responsable sa pagtatama sa lahat ay isa lamang pagkakataon upang magnilay na kailangan ng bawat isa sa ating namumuno pati na rin sa mga sumusunod sa atin.

(Tingnan din: A Letter Upon Release)



Pin It
Don't have an account yet? Register Now!

Sign in to your account